May mga lihim na hindi sinasadya— pero kapag pinili mong itago, nagiging kasinungalingan. At sa araw na iyon, nagkaroon ng mukha ang mga hinala ni Jamaica. Tahimik ang hapon sa Pilipinas. Tulog si Eli matapos ang mahabang iyakan. Umupo si Jamaica sa sofa, hawak ang cellphone, nag-i-scroll lang—walang hinahanap, walang inaasahan. Hanggang sa may lumitaw. Isang larawan sa story ng isang kakilalateam dinner sa Singapore. At sa gitna ng larawan, hindi siya nagkamali. Si Sayven. Nakaupo.Nakangiti.At sa tabi niya—si Andrea. Hindi lang magkalapit. Magkahawak ng baso. Magkadikit ang balikat. Isang detalyeng maliit sa mata ng iba, pero sa mata ng isang asawa, sapat para gumuho ang dibdib. Nanlamig ang mga kamay ni Jamaica. Hindi siya umiyak agad. Mas masakit ang hindi paglaba

