Maagang nagising si Melissa Parker sa tunog ng nagmamadaling yabag sa pasilyo, at bago pa man bumukas ang pinto ay narinig na niya ang masiglang tinig na nagsasabing, “Mom! Late na tayo, gigisingin mo ba si Dad o ako na?” Napangiti si Melissa at umupo sa kama, saka masayang sumagot, “Gigisingin ko na siya, Sayven… pero huwag mong kalimutang mag-almusal.” Umungol si Nicolas Parker nang maramdaman ang pag-uga ng kama at bahagyang pumikit habang sinasabi, “Five minutes pa… sabado naman ngayon.” Tumawa si Sayven Merl Parker, sampung taong gulang, at tumalon sa kama habang masiglang sinasabi, “Dad! May practice ako, ikaw ang nag-promise na ihahatid mo ako!” Napadilat si Nicolas at agad na umupo, kunwaring seryoso habang, may lambing sa boses habang sinasabi, “Kung makita niyo lang ang saril

