May mga laban na hindi mo nakikita, pero ramdam mo sa paraan ng pagtahimik ng taong mahal mo. At habang ako’y natutong mabuhay sa malayo, si Sayven naman ay humaharap sa mga aninong iniwan ko sa likod. Hindi ko alam na sa gabing iyon habang ako’y gising,nakayakap sa unan, nakikipaglaban sa sariling takot nasa isang café si Sayven. At kaharap niya si Clarisse. “Hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi ni Clarisse,nakasandal sa upuan, tila sanay sa espasyong iyon sa buhay niya. “Pero kailangan,” sagot ni Sayven,seryoso ang boses, pagod ang mga mata. “May asawa ako,” dagdag niya. “At may anak.” Ngumiti si Clarisse—hindi masaya, kundi mapait. “Akala ko tapos na tayo sa linya na ’yan,” sagot niya. “Pero bakit parang lagi mo pa ring binabalikan ang mga usapang ganito?” “Dahil ayokong

