May mga plano na sa papel lang matibay. Kapag isinabuhay mo na doon mo malalaman kung gaano kabigat ang bawat araw na kailangang panindigan. Isang taon. Mukhang maikli kapag binigkas. Pero sa unang linggo pa lang,ramdam ko na ang bigat nito sa bawat galaw namin. Nagising ako sa tunog ng alarm. Hindi iyak ni Eli. Hindi yakap ni Sayven. Alarm—parang paalala na may kailangang habulin. “Tara, Jam,” sabi ni Sayven mula sa pinto. “Late ka na.” Tumango ako habang inaayos ang bag ko. “Alam ko,” sagot ko. “May presentation ako mamaya.” Lumapit siya, inayos ang strap ng bag ko. “Kaya mo ’yan,” sabi niya. “Tulad ng palagi.” Ngumiti ako. Pero sa loob-loob ko, hanggang kailan ko kakayanin ang lahat? Sa campus, bumalik ako sa pagiging Jamaica Santander—ang babaeng may pangarap,may deadl

