BOOK 2: CHAPTER 36

2767 Words

May mga away na hindi nagsisimula sa galit kundi sa pagod. Sa takot.Sa mga salitang matagal mong kinimkim hanggang sa kusa na lang silang pumutok. At noong gabing iyon, pareho kaming napagod maging matatag. Tumunog ang phone ko habang nasa kwarto ako,nakaupo sa sahig, yakap ang tuhod. Si Sayven. Alam kong kapag sinagot ko, may mababasag. Pero mas masakit ang hindi sumagot. “Jam,” sabi niya agad, wala nang paligoy. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin na halos araw-araw mo nang kasama si Lucas?” Napapikit ako. “Hindi ko tinatago,” sagot ko. “Kaklase ko siya.Kagrupo. Iyon lang.” “Pero hindi mo rin sinasabi,” balik niya. “Malalaman ko pa sa litrato.” “Katulad ng nalaman ko kay Althea?” tanong ko, boses ko’y nanginginig na. Tahimik siya. At doon nagsimula ang apoy. “Alam mo ba,” sabi k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD