May mga desisyong hindi mo pinipili dahil gusto mo pinipili mo sila dahil wala ka nang ibang matakbuhan. At ang umagang iyon,alam kong anuman ang piliin ko, may masasaktan. At posibleng ako iyon. Maaga akong nagising. Mas maaga pa sa mga alalahanin ko. Tahimik ang bahay—si Mama nasa kusina, si Papa mahimbing kahit may kaunting daing sa bawat paghinga. Umupo ako sa mesa, nakaharap sa cellphone ko. Scholarship Confirmation. Ilang araw ko na iyong iniiwasan, parang kapag hindi ko binuksan, hindi ako pipili. Pero hindi ganoon ang buhay. Huminga ako nang malalim at pinindot ang email. > We need your final decision within 24 hours. Isang linya lang iyon,pero pakiramdam ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Dalawampu’t apat na oras para pumilikung sino ako. Tinawaga

