BOOK 2: CHAPTER 34

2658 Words

May mga problemang akala mo,kapag inayos ang schedule,aayos na rin ang damdamin. Pero may mga bagay na hindi nadadaan sa oras dahil emosyon ang pinanggagalingan. At emosyon ang unti-unting namamagitan sa amin. Naging abala ang mga araw ko sa campus. Mas mahirap ang mga subjects.Mas maraming kailangang patunayan. At doon ko siya nakilala nang mas madalas si Professor Adrian. Hindi siya bastos.Hindi rin malandi. Tahimik siya.Magaling magpaliwanag. At higit sa lahat marunong makinig. “Maganda ang insight mo rito,” sabi niya isang arawhabang chine-check ang papel ko. Napangiti ako.Matagal ko nang hindi naririnig ang ganoong salita. Hindi ko hinanap ang atensyon niya. Pero dumating iyon. Isang tanong pagkatapos ng klase. Isang email na may “Good work.” Isang I see your effort.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD