bc

DIANNE

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Limang taon mo akong niligawan. Oo Lima, akalain mo 'yun? May ganoon pa palang lalaki na kayang manligaw sa loob ng limang taon. I can say, ang tatag mo. Hindi naman ako maganda, sexy, at kagustu-gusto pero ang hindi ko lang malaman kung paano ko nakuha ang atensyon mo. Noong nagpapansin ka sa akin, dine-deadma lang kita dahil wala akong balak intertainin ka, ayokong lumalim pagkakakilala ko sa'yo, ayokong mahulog sayo. Takot ako magmahal. Takot akong magmahal dahil ayoko matulad kay Ate, na iniwanan ng long-time boyfriend niya. Ako ang saksi kung paano siya naging lugmok noon at ayoko mangyari 'yun sa akin. Isama mo na rin yung mga kaklase kong babae na umiiyak para lang sa lalaki kaya nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na balang araw makikita ko yung sarili ko sa kanila. Mas mamahalin ko muna sarili ko kesa piliin ang sandaling kasiyahan na may kapalit namang sakit na pang-matagalan.

Pero ewan ko ba. Hinanda ko na noon 'yung puso ko upang maging bato ito, pero di ko alam kung anong ginawa mo at unti-unti itong lumambot. Kumbaga ako' yung matigas na tinapay at ikaw naman 'yung nagsilbing mainit na kape na may kakayahang palambutin ako.

Bago mo nakuha yung' OO ko, naging pulido muna ang lahat. Simula sa pagpapakilala mo sa magulang at sa kaibigan ko, pang haharana, pagbibigay ng mga paborito kong pagkain, at mga letters. Kaya di na ako magtataka kung paano ako kantyawan ng mga barkada ko, ang haba raw ng buhok ko.

Nang dahil sayo, nawala lahat ng doubts at what if's ko. Naging kampante ako dahil sa limang taong panliligaw mo sa akin na pakiramdam ko noon na ako lang ang nakaranas, kaya nagpasiya akong sagutin ka

chap-preview
Free preview
DIANNE
Limang taon mo akong niligawan. Oo Lima, akalain mo 'yun? May ganoon pa palang lalaki na kayang manligaw sa loob ng limang taon. I can say, ang tatag mo. Hindi naman ako maganda, sexy, at kagustu-gusto pero ang hindi ko lang malaman kung paano ko nakuha ang atensyon mo. Noong nagpapansin ka sa akin, dine-deadma lang kita dahil wala akong balak intertainin ka, ayokong lumalim pagkakakilala ko sa'yo, ayokong mahulog sayo. Takot ako magmahal. Takot akong magmahal dahil ayoko matulad kay Ate, na iniwanan ng long-time boyfriend niya. Ako ang saksi kung paano siya naging lugmok noon at ayoko mangyari 'yun sa akin. Isama mo na rin yung mga kaklase kong babae na umiiyak para lang sa lalaki kaya nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na balang araw makikita ko yung sarili ko sa kanila. Mas mamahalin ko muna sarili ko kesa piliin ang sandaling kasiyahan na may kapalit namang sakit na pang-matagalan. Pero ewan ko ba. Hinanda ko na noon 'yung puso ko upang maging bato ito, pero di ko alam kung anong ginawa mo at unti-unti itong lumambot. Kumbaga ako' yung matigas na tinapay at ikaw naman 'yung nagsilbing mainit na kape na may kakayahang palambutin ako. Bago mo nakuha yung' OO ko, naging pulido muna ang lahat. Simula sa pagpapakilala mo sa magulang at sa kaibigan ko, pang haharana, pagbibigay ng mga paborito kong pagkain, at mga letters. Kaya di na ako magtataka kung paano ako kantyawan ng mga barkada ko, ang haba raw ng buhok ko. Nang dahil sayo, nawala lahat ng doubts at what if's ko. Naging kampante ako dahil sa limang taong panliligaw mo sa akin na pakiramdam ko noon na ako lang ang nakaranas, kaya nagpasiya akong sagutin ka. At hindi naman ako nagkamali, dahil pinuno mo lahat ng saya, kilig, at panunuyo yung relasyon natin. Naging proud ako dahil naging boyfriend kita, lumipas ang ilang taon tayo pa rin, consistent ka pa rin. Nakakatuwa lang kasi konting tampo ko lang, natataranta ka na. Pag gutom ako, todo rescue ka. Pag nalulungkot ako, nandiyan ka para magpatawa. You became my world. 'yung bagay na kinatatakutan kong subukan noon, nagagawa ko nang masaya-- at yun ay ang magmahal. As the years goes, unti-unti kang nagbago. Tumumal yung kilig. Tumumal yung ngiti. Lahat nagbago. Iniisip ko noon na baka busy ka lang talaga gaya ng lagi mong pangangatwiran. Kaya madalas ako na 'yung nagyayaya sa'yo kumain sa labas, ako nalang ang nag susurpresa sa'yo kapag Anniversary or monthsary natin, ako na ang nagpapadala ng pagkain sayo sa work mo, ako na yung unang tumatawag sayo at nag me-message sayo. Ako na lahat. Noong bandang una, tumumal lang pero dumating na tayo sa puntong hindi na kita makilala. Hindi na ikaw si Kirk na nanligaw sa akin sa loob ng limang taon. Hindi ikaw yung Kirk na nag tyaga sa ugali ko, at pakiramdam ko, parang may mali. Gusto kong ibalik mo yung dating Kirk, yung lalaking nag udyok at nag pa realized sa akin kung gaano kasarap magmahal. Lagi nalang mainit ulo mo sa akin, madalas mo akong sinisigawan, pag pumupunta ako sa trabaho mo hindi mo na ako masiyado kinakausap, pag magkasama tayo lagi ka nalang nag ce-cellphone. Sa tuwing umiiyak ako, hinahayaan mo nalang ako at mas lalo mong pinapabigat yung dibdib ko hanggang sa huli, ako pa rin yung magso-sorry kahit na ikaw yung mali para matapos lang yung away natin. Siyempre ako, isang sorry mo lang, okay na sa kabila ng triple-triple mong pagpatay sa puso ko. Dumating na 'yung kaarawan ko, at ini-expect kong darating ka. Oo, sa wakas dumating ka kahit na gabi ka dumating eh ayos lang. Pangangatwiran mo, kasi pagod ka. Marami kang ginagawa sa opisina, at kung anu-ano pa. Ngumiti lang ako nang mapait. Hindi ka ganiyan noon diba, pero bakit ngayon nag-iba na. Ang dami mo ng reklamo dahil sa pagod mo, pero kahit kailan wala kang narinig sa akin kahit na mag hapon rin akong nag ayos, nagluto at nagdesign para sa birthday ko dahil ikaw lang naman yung pinaka mahalagang bisita na magpupunta noon. Ang masaklap pa, pagkatapos mo lang kumain, may iniabot ka lang na box na may lamang necklace at nagmamadali kang umalis kasi gusto mo nang magpahinga. Di ba sabi mo noon, ako yung pahinga mo? Pero bakit ngayon, parang nagiging pabigat ako sa'yo. Ayokong mag isip nang masama dahil ayokong masaktan sarili ko at ikasira ng relasyon natin dahil heto na eh. Sure na ako sayo. One time, nagpasiya akong magkita tayo, noong una nararamdaman kong tatanggi ka pero napilit kita. Di ba dati ikaw 'yung namimilit sa akin? Pero bakit ngayon ako na ang nagmamakaawa. Sobrang sakit sa dibdib, pero mas pinili kong manahimik at maki agos sa daloy ng relasyon natin. Noong nagkita tayo, late ka ng dalawang oras. Para akong tanga na nakatayo noon sa gilid, tine text kita pero wala ka man lang reply. Tinatawagan kita pero pinapatay mo yung phone. Kailan ka pa natutong magpatay ng phone. Hanggang sa umulan nang malakas, basang-basa ako. Wala kong masisilungan kasi open place yung area. Pinipigilan kong hindi umiyak kahit anytime nararamdaman kong bibigay na talaga at bigla akong nabubayan ng dugo nang makita kita. May dala kang payong at nagmamadali kang tumakbo papunta sa akin. Nakita ko kung paano nagsalubong 'yung dalawa mong kilay. Naiinis ka, kasi bakit nag tyaga akong maghintay sayo kahit malakas na' yung ulan. Nasisiraan na nga ako ng bait sabi mo pa. Habang naglalakad tayo, nag rereklamo ka kasi marami kang hindi nagawa dahil lang sa meet up natin, pero ang hindi mo alam nagtiis ako ng gutom para lang maka ipon at makapagkita tayo, para na rin malibre kita. Gumising ako nang madaling araw para asikasuhin lahat ng gawain sa bahay agad para makasama ka. Matyaga kong hinarap yung traffic at haba ng byahe para lang makita kita. Nabasa ako ng ulan para lang matupad yung gusto kong mangyari na magkaroon ulit tayo ng oras sa isa't isa. Gusto kitang tanungin kung naboboring ka na ba sa akin, may kulang ba, may mali ba, may di ka ba nagustuhan sa akin pero ayoko lumabas iyon sa labi ko dahil alam ko na 'yung susunod na mangyayari. Baka mapaiyak lang ako sa harapan mo. Kaya napagdesisyunan kong ibigay yung sarili ko noong mismong Anniversary natin. We did it and that was my first time. Noong oras na' yun, ramdam kong nauuhaw ka, malakas pwersa mo, at gigil ka. Siguro heto yung pagkukulang ko kaya ka nagbago. Baka pagkatapos nito, bumalik ka ulit sa dati. Magiging masaya ulit tayo. Pero pagkatapos mangyari 'yun, mas lalo kang naging mailap sa akin, mas lalo kang nanlamig. Hindi na kita maramdaman kaya finally, naghihinala na ako. Ayokong tama yung iniisip ko pero wala eh ubos na ubos na ako. June 19, it's your birthday and at the same time, it was the exact date when you have confessed your feelings to me. Bumili ako ng paborito mong relo pati isang box na paborito mong Hopia as your gift. Excited na ako noon dahil magkikita tayo Milk tea zone. Pagkarating ko roon, nakita agad kita. Mediyo nanibago ako, kasi himala mas nauna ka sa atin mukhang naging excited ka sa meet up natin. I greeted you, konting usap, chika hanggang sa nagmamadali ka na namang umalis. Hindi pa tayo nakakain nun together but you said you have to go dahil urgent. Ang aga pa nun para umuwi ka, pero dahil birthday mo naman, inintindi pa rin kita. Iniwan mo ako sa Milk tea zone kung saan tayo nagkita, bumeso ka at nagpaalam na. Ewan ko ba, hindi ako kumbinsido sa paalam mo. Siguro naman, may karapatan akong sundan ka dahil in the first place, girlfriend mo pa rin ako. So I did, sinundan ko yung kotse mo. Sumakay ako ng taxi at sinabi ko lang sa driver na sundan yung kulay red na kotse-- which is the color of your car. Ako na bahala sa bill. Hanggang sa huminto ka sa lugar kung saan tayo unang nag date. Lugar kung saan naging memorable sa relasyon natin. Lumalakas kalabog ng dibdib ko, kung anu-ano na pumapasok sa utak ko. Iniisip ko na baka may surpresa ka sa akin or may balak kang bumawi. I grabbed my phone para i-call kita. Tinitignan kita habang nasa loob ako ng taxi, and there I saw you na kinuha mo phone mo at sinagot yung call ko. "B-babe... Where are --you na?" ngatal kong tanong. "I'm here at office, bakit?" you replied. Liar. Nagsisinungaling ka. "Uhmm.. Nothing, ingat ka ha. Happy birthday ulit enjoy your day." "S-sorry Diane ah. Bawi ako sayo next time. Rushed kasi talaga, ang dami ko pang gagawin. Sige na, maya nalang ako call ah." pangangatwiran mo. "O-ok lang, I love you--" Suddenly you ended the call. Doon na nagsimula gumuho yung mundo ko. Kailan ka pang natutong mag sinungaling? Kaya pala mas nauna ka sa meet up natin, kasi may hinahabol kang oras? Bumaba na ako ng taxi, at nagbayad na rin ng bill. I did my best para hindi mo mahalatang sinusundan kita. Good thing, may dala akong scarf. After a few minutes, may sinalubong kang babae. Maganda siya, sexy, at mukhang mahinhin, and unexpected nag kiss kayo. Pakiramdam ko malulumpo na yung tuhod ko, wala na akong maintindihan sa nararamdaman ko but all I know is... Nasasaktan ako. Maya-maya, naglabas yung girl ng box. Box rin ng hopia, pati na rin paper bag na may laman na relo. Nalaman ko yun, dahil tinanggal mo yung gift ko sayong relo na kabibigay ko lang noong nasa Milk tea zone tayo, at hinayaan mong isuot niya sayo yung regalo niyang relo. Kailan niya pa nalaman yung paborito mong tinapay? Di ba sabi mo, ako lang nakakaalam no'n at wala nang iba pa. Napakasakit. Pero hindi ako papayag na ganito na lang. Hindi ako kagaya ni Ate na mahina kaya mas pinili ko kayong harapin. Lumakad ako papunta sa inyo hanggang sa napatingin sa akin yung babae mo. Ang amo ng mukha niya. Walang wala ako. Kaya siguro pinagpalit mo ako. Habang nasa gitna kayo ng tawanan nang napahinto kayo. "Ate, may maitutulong po ba kami?" malumanay na tanong ng babae mo. Ang anghel ng boses, mukhang inosente at hindi pa nakakagawa ng mali. Bigla akong nakonsensya sa plano ko. Tinanong niya ako, dahil siguro napansin niya yung paghinto ko sa harapan niyo. "U-uhmm... Tanong ko lang sana kung saan dito yung public CR, naiihi na kasi ako eh. Hehe" sambit ko. Kita ko kung paano lumaki ang mga mata mo. Alam ko, nasurpresa kita. Alam ko kung saan public CR dito, dahil in the first place, dito yung pinakamasasayang ala-ala na mayroon kami ng kasama mo. "Uhmm... Hala ate, hindi ko rin po alam eh...ngayon palang kasi ako pinunta ni Kirk dito..." inosente niyang sagot. Tumingin ako sa direksyon mo, at bakas sa mukha mong gulat na gulat ka. Nginitian nalang kita nang mapait, pero alam ko na tutulo na talaga yung mga luha ko kaya tumingin muna ako sa itaas. "Ah... sige, thanks Miss." sabay tumalikod na ako. Gusto kong murahin sarili ko, bakit naging duwag ako, kung bakit tumiklop ako, ang tanga-tanga ko. Aakmang paalis na sana ako nang tinawag ulit ako noong babae mo. "Ate!" Then lumingon ako sa inyo. "Ate, pwede paki picturan niyo po kami please. Pang memories lang oh hehe Thank you!" makulit niyang tugon. Sorry Miss, pero dito rin yung memories namin. "O-oh s-sure." Sabay iniabot sa akin ng babae mo yung phone mo to take photos. I was shocked dahil siya na pala yung Home screen mo, at hindi na yung picture ko. Natawa nalang ako, kasi ngayon ko lang nalaman dahil kahit kailan hindi ko inugaling mangielam ng personal na bagay kasi unang-una may tiwala ako sayo. Nung una, halata kong nag aalangan ka pero dahil mas natakot kang magtampo sayo yung babae mo pag di mo siya pinagbigyan kaya nag papicture kayong dalawa. Iba't ibang pose ang ginawa niyo, may pa candid, may wacky, may sweet at higit sa lahat... May kiss. Fuck. Doon na talaga nagsimulang tumulo luha ko, dahil hindi ko na nakayanan. Akin ka eh. Di ba akin ka lang? Bakit all of the sudden, biglang naging siya na? Pagkatapos niyo magpa picture, nahalata ng babae mo na lumuluha ako. "Ate, may problema ka ba?" nag aalala niyang tanong. "H-ha? Wala naman. Haha" "Eh I saw you crying kaya..." Mukhang biktima lang rin ito, mukha talagang wala siyang alam. "Haha okay fine, Supposedly makikipagkita ako ngayon dito sa boyfriend ko but ilang oras na wala pa rin siya, kaya naiiyak ako hehe." pagpapalusot ko. "Hala, baka na traffic lang sya. Or baka naman may iba na pala... Kasi ganiyan din scene ng madalas kong nababasa sa mga stories eh. Pinagaantay si girl tapos hindi sinipot tapos booom break na joke lang po!" Pagbibiro niya. "Haha, hindi niya magagawa yun sa akin... Kasi sabi niya... N-never niya akong lolokohin." I uttered sabay tumingin ako sa direksyon mo ngunit lumihis ka ng tingin. I smiled to both of you fakely and tumalikod na muli ako sa inyo para lumisan. "Ate!" she shouted once again. "if you don't mind, may I know your name po?" kuryoso niyang tanong. "I-Im D-Diane." I replied with my lower voice. "D--diane???" ulit niya. Tumango ako. Bigla akong kinabahan. "DIANE? heard of it." biglang naningkit yung mata niya at tumingin siya sayo Kirk. "Diba, Diane rin name ng ex mo?" tanong niya sayo. Ex? Wow. Kailan mo pa ako naging ex. Wala akong natatandaang nag break tayo. Hahaha potangina You just nodded... "But baby it's just coinci---" "No baby! No need to explain. Basta hindi ko gagayahin yung ginawa sayo ng Ex mo na yun no. Di ko gagayahin si Diane na niloko ka, kaya pag ako niloko mo, suntok ka sa akin!" parang bata niyang sagot. Ako pa pala yung pinagmukha mong masama sa ating dalawa, niloko mo na nga ako, ginago pa. "Ate, baka na aabala ko na po kayo hehe, goodluck po! Alam kong darating din siya, tiwala lang." she cheered. Tumango nalang ako, naglakad papalayo. Hindi na siya darating, kasi nasa sayo na yung taong tinutukoy ko. Hindi na siya darating kasi mas masaya na siya sayo. Hindi na siya darating kasi kapiling niya na yung taong bumuo sa akin noon at wumasak sa akin ngayon. Tuluyan na ngang nalaglag ang dalawang balikat ko habang naglalakad palayo sa inyo kasabay nun yung pag agos ng mga luha ko na nag uunahang mag laglagan. My sight became blurry cause of tears. My knees became weak. Ang hina hina ko, naging duwag ako, umurong yung dila ko. Minumura ko sarili ko dahil sa pagiging martyr ko. Potangina. Sa akin ka diba. Nangako ka. Diba sabi mo ako lang? Pero mas mukhang masaya ka naman, kaya sige. Sa kaniya ka na. Gaya nga ng sinabi ko, hindi ka na darating dahil ang dating 'ako' napalitan na ng 'siya' Ang 'ako' na dati mong naging mundo noon, ngayon gumuho na. Yung taong nagturo sa akin kung paano mag mahal, siya rin yung dahilan kung bakit natakot na muli akong sumubok mahulog. Tatlong bagay lang ang natutunan ko rito sa mundo: lahat walang kasiguraduhan, lahat, pwede kang saktan. lahat pwedeng mang-iwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

NINONG III

read
416.8K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook