To be honest, doing stupid things makes me so uncomfortable that’s why as much as possible, I try to plan everything beforehand – whether it be at work or in my personal life. Mas gusto ko talagang planado ang bawat kilos ko dahil natatakot akong magkamali. Kaya ngayong pasimuno pa talaga ako sa paggawa ng mga bagay na maaari kong pagsisihan pagkatapos, hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba ako. Mukhang malaki talaga ang naging epekto sa akin ng mga problemang ayaw kong harapin ngayon. Inubos ko ang lamang alak ng baso ko at dito muling tiningnan si MJ sa harapan ko. Umangat ang isang dulo ng labi niya. And then he started tracing his lips with his finger. “Your turn,” aniya. Mapanubok ang tingin ko kay MJ, kunwari’y hindi kinakabahan kahit na kabaliktaran nito ang nararamdam

