MJ and I decided to have a good time at Sumilon Sandbar like other tourists who came here for vacation. Panay ang pagkuha namin ng litrato ng isa’t isa, animo walang problemang kailangang harapin pagbalik sa Maynila. Wala nga sana akong balak mag swimming pero naging mapilit si MJ. Basta na lang niya akong binuhat at binagsak sa dagat. Tawang-tawa pa siya kahit nakasibangot na ‘ko pag-ahon. Because of my competitive side, agad akong bumangon at gumanti sa kanya. Inagaw ko ‘yong water gun nung isang batang bakasyunista at ginamit ito sa kanya. Nang hindi pa nakuntento ay talagang hinabol ko siya hanggang sa matalisod siya at lumubog sa dagat. Ang bilis ng karma kaya siya naman ang pinagtawanan ko. Tuloy ang ending, para kaming mga batang nagtampisaw sa tubig. Pareho kaming basang-basa

