My heart was beating fast and hard against my chest. Akala ko talaga ay mabibisto na ‘ko at masisira ang plano ko. Mabuti na lang at dumating agad si Benjie. Siguro kahit papaano ay tinutulungan pa rin ako ng pagkakataon. Alam ko namang delikado ang binabalak kong paglapit kay Elijah gayong maingay pa ang iskandalo tungkol sa amin. Kaya nga mas gusto kong ako ang gumawa ng plano ko kaysa iasa sa ibang tao. Kung akala ni Elijah ay natakasan na niya ‘ko, pwes ngayon niya malalamang nagkamali siya ng taong binangga. Nanlalamig ang mga kamay, inilabas ko ang phone ko at binuksan ang audio recording app. I already tapped the record button and kept the phone hidden in my pocket, at an angle that would allow me to record our conversation clearly. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa lo

