Naiinis ako kay MJ, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Nakalimot ako. Alam ko ang priorities ko pero isinantabi ko lahat para sa panandaliang saya. Hindi ito madalas mangyari sa akin lalo na kapag may plano ako. Kaya hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagpupumilit ng kaibigan ko ay bumigay ako. Si MJ lang kasi talaga ang may kakayahang magpalambot sa akin… Nagkaroon ng briefing sa aming mga turista at bakasyonista bago pinasakay sa bangka papuntang Sumilon Island. Kabado ako sa maaaring mangyari oras na makarating ako sa isla, pero sapat na siguro ang ilang beses kong pagtakas dito. Ngayon ay kailangan ko na talagang harapin ang takot ko. Pagkaupo ko sa loob ng bangka ay sinabihan agad kaming magsuot ng life jacket. Malapit lang naman ito sa akin. Kaya lang kukuha na sana ako nang

