I told MJ that I’m no longer joining him for dinner. Ayaw ko na kasing lumabas ng kwarto. Mas gusto kong matulog at magpahinga. The room that we booked may not be spacious and grand but is good enough. Mukhang malinis naman kaya walang makikitang ipis at iba pang peste. Hindi ko nga lang sigurado kung wala ring butiki. Kasalukuyan akong nakahiga sa twin bed. Kumportable naman ako dahil malambot ang mga unan at mabango ang kumot at bed sheet. Ayon lang ay ilang oras na akong nakapikit pero hindi ako dinadalaw ng antok. Pagod ang katawan ko pero ‘yong isip ko ay ayaw magpahinga. Nakakainis lang dahil noong nasa apartelle kami at nasa sasakyan ni MJ, madali akong nakatulog. Napasarap pa nga ang tulog ko. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ngayong nasa tamang tulugan na ‘ko, tsaka pa

