“Okay lang ba sa ‘yo kung sa karinderya tayo kakain?” nag-aalangang tanong ko kay MJ. Nakaharap kami ngayon sa pinakamalapit na karinderyang nahanap namin dito sa Moalboal. Wala naman kasing restaurant dito. Kung mayroon man, malamang kailangan pa ulit naming bumyahe. Pero base sa lagay naming tatlo, mukhang hindi na makapaghihintay ang mga sikmura namin. Tila salimbayan na kasi ang mga ito sa pagkulo. “Oo naman. Walang problema. Hindi nga ako maselan ‘di ba?” Ito na naman siya sa paborito niyang linya. May tinuro ako sa sahig. “Butiki!” “Saan?!” Napatalon siya at napakapit sa akin. Nagulat na lang ako dahil wala pang isang segundo ay napunta siya sa likuran ko, animo nagtatago. Natawa tuloy ako dahil sa reaksyon niya. Kahit si Sir Edwin hindi napigilan ang sarili. “Hindi raw mas

