Simula nang pumutok ang iskandalo tungkol sa amin ni Elijah, hindi lang trabaho ko sa RSE ang nasira. Maging ang mga raket na dati’y halos ‘di ko maisingit sa schedule ko ay unti-unting nawala. Itong debut na nga lang ang natira sa mga raket ko. Kaya ngayong nalaman kong pati pala ang kliyente ko rito ay tinanggal ako bilang event coordinator, mahirap para sa ‘kin tanggapin. Pero ano namang magagawa ‘ko? It’s not as if I could change their mind. Lalo na’t nasa mismong event na kami. Mukhang unti-unti na ngang nasisira ang career na ilang taon kong pinaghirapang buuin. “If that’s the case, you should have at least informed me beforehand. Para naman hindi ako—” Nagmukhang tanga. “—para hindi nasayang ang oras ko sa pagpunta rito,” sabi ko sa kaharap na kliyente. “We sent you an email

