I immediately ran after the man who stole my bag at full speed. Ganuon din si MJ pero mas mabilis akong tumakbo kaysa sa kanya. Mabuti na lang at naka-flats ako kaya naman hindi ako naging dehado sa haba ng kanilang biyas. Nakita kong itinutulak ng bag snatcher lahat ng mga nakakasalubong niya at humaharang sa kanyang dinaraanan. Kaya naman pilit ko ring iniiwasan ang mga ito. The last thing I would want to happen is for other people to get hurt because of my situation. “Hoy! Ibalik mo ang bag ko!” sigaw ko bago siya pinaulanan ng mura. Nakaramdam na ‘ko ng pagod sa pagtakbo pero hindi ko hinayaang maging dahilan ito para mawala sa paningin ko ‘yong magnanakaw. Ayon nga lang ay nang makita kong nakalayo na siya sa ‘kin at mukhang makakatawid pa ng kalsada, rito ako nagsimulang mawala

