Hugo's POV Maaga na akong nakauwi ng hacienda, halos tatlong oras lamang ang itinulog ko pero sapat na 'yon dahil kahit papaano ay napahinga naman ang katawan ko. Pagbaba ko ng unang palapag ay dumiretso na agad ako ng kusina at inabutan ko na ang mga kaibigan ko na kumakain ng agahan kaya nakiupo na ako sa tabi nila. Inabutan naman ako ni manang ng kape kaya kahit mainit pa ito ay ininom ko na agad ito. "Hijo mamamalengke muna ako, isasama ko ko si Kanor dahil dadaan daw kami ng palaisdaan upang ihuli kayo ng sariwang isda para sa pananghalian ninyo." ani ni manang sa amin. Tumango naman agad ako at sinimulan ko ng kumain ng umalis na sa kusina si manang. "Kamusta ang babae mo kagabi? Mukhang ginanahan ka din kaya umaga ka na nakauwi," ani ni Calix sa akin kaya napatingin ako sa kanya

