────⊱⁜⊰──── Nakarating ng Palawan sila Hugo ng ligtas at habang bumababa sila ng helicopter ay nag-uusap silang magkakaibigan. "Saan tayo tutuloy?" tanong ni Calix habang binababa nila sa helicopter ang mga bagahe nila. "Sa hacienda, mauna na kayo duon at mambababae muna ako sa club. Balita ko maraming babaeng wild na mukhang pera sa mga club dito," ani ni Hugo. Napatingin si Calix kay Lyka at isang ngisi ang binigay nito sa kaibigan nila at hinagis niya kay Lyka ang bag na hawak niya. "Kayo na muna ang bahala sa hacienda dahil sasama ako kay Hugo." ani ni Calix at maging si Diego ay ibinato din kay Lyka ang backpack na dala niya. "Tang-na tigang din ako!" ani ni Diego at sumakay din ito sa sasakyan ni Hugo. "Mga manyakis kayo! Hindi man lang kayo magpahinga muna bago mangabayo ng mg

