" Mama, where are you going? " tanong ng aking anak nang makita akong palabas ng bahay. Sina Avery at Fatima kasi ay abala sa pagluluto habang si Jaycee ay nilalaro ang mga bata. " Maglalakad-lakad lang ang mama, you want to come with me? " tanong ko na ikinangiti niya ng malapad. Nakakagigil talaga ang batang to, lalo na kapag ngumingiti at nagpapacute. " Yes mama " sagot niya kaya kinuha ko ang kanyang kamay at magkahawak kamay kaming naglakad. Tinungo namin ang mga invisible hotels nila Calix. " Wow mama, are they a house? " humahangang tanong ni Candy na ikinatawa ko. " Yes anak, do you like go inside? " tanong ko, nakangiting tumango naman ito. Pinili kong pasukin ang pinakamalaking room. " Mama, sino pong nakatira dito? " tanong nito, hindi na ito nagsasalita ng korean language

