" Love, wake up! It's already 5 in the morning. " gising sakin ni Zane kasabay ng pagtapik ng marahan sa aking pisngi. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang gwapo nitong mukha, ngumiti ito at dinampian ako ng halik sa labi. " 5 minutes pa! " sabi ko dito, saka yumakap sa kanya at pumikit muli. " Love, tara na. Excited pa namam ako. " bulong nito na ikinangiti ko. " Kasalanan mo, pinuyat mo ako kagabi. " sabi ko, rinig ko ang mahinang tawa nito. " Sige, matulog kapa. Ihahanda ko lang mga dadalhin natin. " wika nito, tumango ako at bumitaw sa kanya. Hinalikan ako nito sa noo bago bumangon. Hindi narin naman ako nakatulog kaya nagpasya na akong bumangon, naabutan ko siya sa kusina na inaayos sa isang basket ang dalawang tasa, kutsara, kape, asukal at gatas. Mayroon ding nakahandang

