Katatapos ko lamang magluto ng hapunan nang dumating si Zane, nagpunta kasi siya kanina doon kila lola at makikipagkwentuhan daw sa mga pinsan ko. Deretso itong naglakad palapit sa akin at niyakap ako mula sa likod, naramdaman ko ang lamig na nagmumula sa kanya. Maulan kasi ngayon at galing siya sa labas kaya siguro malamig ang balat niya. " Ang lamig mo! " sabi ko dito, ipinatong niya ang baba sa balikat ko. " Love, sasama ako kila Makoy " sabi nito. " Saan? " tanong ko dito, bumitaw siya sa pagkakayakap kaya inihanda ko na ang lamesa para makakain na kami at tumulong naman ito. " Mag-iilaw daw ng palaka! " sabi nito na agad kong ikinatingin sa kanya. " Love, hindi ka sanay sa ganitong mga gawain. Baka magkasakit ka niyan. " sabi ko dito, ngumiti ito sa akin. " Love, hindi naman ak

