Paggising ko ay ang maamong mukha ng aking asawa ang bumungad sakin. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi at hinaplos ng mukha nito na ikinagising niya. " Good morning! " masayang bati ko dito, napalunok ito at napangiwi na ipinagtaka ko. " Good morning love.. " diko napigilang mapahagalpak ng tawa na ikinasimangot niua. " Bakit ganyan ang boses mo.. " natatawa kong tanong. " Love, ang sakit ng lalamunan ko.. " nakangiwing sabi nito na muli kong ikinatawa dahil sa paos niyang boses. " Love naman e.. " nakasimangot niyang sabi saka umubo at suminghot. " May sipon at ubo narin ako.. " sabi pa nito, natigil ako sa pagtawa at dinama ng palad ko ang noo niya. " May konting sinat ka, dito ka lang at magluluto ako para makakain kana at makainom ng gamot. " sabi ko rito at akmang tata

