Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito. Kasalukuyan akong nakatambay sa isang coffe shop na malapit lang sa bahay. Agad ko itong kinuha nang makitang ang mama ni Calix ang tumatawag, bumuntong hininga muna ako bago ito sagutin.
Close kami ng mama ni Calix noon pa man dahil narin kay Avery. Tinuring niya kaming parang mga tunay na anak, pero mula nang maghiwalay sina Avery at Calix hindi na kami muling nagkita pa.
" Hello po tita! " bungad ko rito.
" Hello Farrah, kumusta kana? " tanong nito.
" Okay naman po, kayo po? "
" Ayos lang naman, gusto ko lang ipaalala na birthday ko bukas. Pumunta ka ha! Ilang taon narin tayong hindi nagkita, namimiss na kita " masayang sabi nito.
Gusto ko sanang sabihing sisihin niya ang asawa niya pero wag na lang, paniguradong magagalit si Avery sa akin kapag ginawa ko yun.
" Sige po tita! " sagot ko dito.
" Nabalitaan ko pala ang nangyari sa inyo ni Zane. Kumust kana pala? " napangiti ako ng mapait, dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Kung titignan ay Okay na ako pero sa loob-loob ko hindi parin. Lagi akong napapaisip ng malalim, lalo na kapag gabi. Hindi ako makatulog at napupunta iyon palagi sa pag-iyak at pagtanong-tanong kung ano bang kulang sakin, kung kasalanan ko ba kung bakit niya yun nagawa, kung naging pabayang asawa ba ako. Ganun pala kapag nagawa kang lokohin, lagi mong que-questionin ang sarili mo.
" Okay naman na po ako tita! " pinilit kong pasiglahin ang pananalita.
" O siya, hindi na kita aabalahin. Dito na lang tayo magkwentuhan bukas. " masayang sabi nito at tuluyan nang nagpaalam.
Tumingin ako sa labas ng coffe shop at sinabayan ng inom ng kape. Nanatili pa ako dito ng ilang minuto bago tuluyang umuwi sa bahay. Sa bahay kung saan mag-isa na naman ako, sila mama at papa kasi busy sa trabaho. May mga katulong din na abala sa paglilinis kaya araw-araw nasa kwarto lamang ako at nagmumokmok.
Naglakad ako patungo sa cabinet at pinasadahan ng tingin ang mga damit. Pabagsak ko itong isinara nang wala akong magustuhang isuot para bukas. Dali-dali akong lumabas muli ng bahay at sumakay ng kotse. Nagtungo ako sa isang mall upang maghanap ng maisusuot para bukas.
Pumasok ako sa isang botique na agad naman ako sinalubong ng isang sales lady. Pumili ako ng isang spaghetti strap dress na kulay green at makinang, above the knee siya, medyo kita din ang cleavage at bakat na bakat ang hugis ng aking katawan.
Malawak ang ngiti ko nang mapagmasdan ang sarili sa salamin sa fitting room. Hindi ako pinagsusuot ng mga ganito ni Zane, at sobrang galit na galit siya sakin pag nakikita niya akong nakasuot ng ganito.
Kaya ngayon gusto ko siyang galitin, total ayaw din naman niyang ibigay ang gusto kong annulment.
Pagkatapos kong bilhin ito ay lumabas na ako ng botique at dumeretso sa isang ice cream parlor. Gusto ko lang mag-ice cream pag stress ako, umorder ako ng mint chocolate chip. Napangiti ako ng malawak nang marealized na matagal narin pala akong hindi nakakakain ng ice cream. Ayaw kasi ni Zane ng ice cream at hindi rin naman ako nakakalabas ng bahay kung hindi ko siya kasama, kaya naisip ko ganun pala katoxic yung buhay ko nang kami pa.
Nakatingin ako sa labas habang kumakain nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki, gwapo siya at matangkad. Naka eye glasses ito kaya nagmukha siyang genius, idagdag mo pang ang buhok nito parang sa mga korean.
Muntik na akong mabilaukan nang mapatingin ito sa akin at ngumiti, agad akong nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko nang pumasok ito at kumabog ang dibdib ko nang makitang papalapit na ito sa akin.
Hindi ako mapakali kahit wala naman akong dapat ika-kaba or ikatakot. Napahinga ako ng maluwag nang lampasan ako nito at umupo sa may katabi kong table. Doon ay may isang babae, kung di ako nagkakamali kaedad ko lamang ang lalaki at yung babae ay parang nasa 17 or 18 years old.
Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain pero hindi nakawala sa pandinig ko ang usapan ng dalawa sa kabilang table.
" Kuya, mahal niya ako at alam kong hindi niya ako magagawang lokohin. " rinig kong wika ng babae, so magkapatid pala sila.
" Pero ang bata niyo pa para mag-live in " malungkot na wika ng babae, napakurap-kurap ako sa narinig.
Akala siguro ng babae ganun na lamang kadali ang mag-asawa. Kung alam mo lang babae ka, naku magsisisi ka sa huli.
" Alam ko kuya, pero mahal ko siya. Hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko at ganun din siya. Wala parin naman sa plano namin ang magkaanak, magsasama lang kami sa iisang bahay at magpapakasal pag nakatapos na kami ng pag-aaral. " wika ng babae, napasabunot sa buhok ang lalaki at halatang hindi gusto ang plano ng kanyang kapatid pero mukhang hindi narin niya ito mapipigilan.
" Basta kapag sinaktan o ginago ka niya, magsabi ka sakin ha! Mapapatay ko yun, kung nagkataon! " wika ng lalaki, namiss ko tuloy si kuya. Ganun din ang sabi niya kay Zane noon e, kaya sabi ko kila mama wag muna sabihin sa kanya ang nangyari sa amin.
Bago pa man ako madala sa drama ng dalawa ay naglakad na ako palabas at sumakay ng kotse, akmang aandarin ko na ang makina nito nang may kumatok sa bintana. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ito, ito yung lalaki kanina. Binuksan ko ang bintana at bumungad sa akin ang malawak na ngiti nito na halos wala na siyang mata dahil dito.
" Naiwan mo! " wika nito at inabot sa akin yung cellphone ko, agad akong ngumiti dito. Bat naman nawala sa isip ko ang cellphone ko?
" Salamat! " sabi ko at kinuha ang cellphone.
" Ah! I'm Clyde Montemayor " pagpapakilala nito saka inilahad ang palad, magiliw ko namang tinanggap ito.
" I'm Farrah " sagot ko, hindi ko alam kung Meyers ba ang sasabihing apilyido, nakakaloka.
" Hmm nagmamadali kaba? " tila nahihiyang sabi nito, napangiti ako na tila naguguluhan sa kanya.
" Hmm hindi naman, bakit? " tanong ko.
" Napansin ko kasi kanina, parang may pinagdadaanan ka. Gusto mo sumama? May alam akong place na makakapagrelax ka. " nakangiting wika nito.
Napaisip naman ako sandali, e kasi hindi ko naman ito kilala. Nakakatakot namang sumama na lamang bigla. Baka mamaya yung place na sinasabi niya, hotel pala ir abandonadong bahay o ano.
" Look, I'm Clyde Montemayor. Isa akong kilalang abogado at mabuti akong tao kaya wala kang dapat ipag-alala. " natatawang sabi nito na ikinangiti ko. Abogado pala, edi ibig sabihin matalino to.
" Okay, susundan na lang kita. " masayang sabi ko, kita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko.
" Good! Let's go! " sabi nito at umalis na, nakita kong sumakay ito sa kulay black na kotse. Sinundan ko na lamang ito, okay narin siguro para kahit papaano ay makalimutan ko ang pinagdadaanan ko.
Medyo malayo-layo rin ang narating namin at kumunot ang noo ko nang huminto kami sa tila isang bangin, ihuhulog ba ako nito dito. Ipinark niya ang kotse niya sa may damuhan na tabi ng daan, itinabi ko naman ang kotse ko. Hindi nagtagal ay nakita ko siyang lumabas kaya nagpasya narin akong lumabas, mukhang hindi naman siya masamang tao.
" Look! " nakangiting sabi nito at tinignan ang tinuro nito. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ito. Nasa gilid nga kami ng bangin kung saan kitang-kita ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw, hapon narin kasi, sobrang tahimik ng lugar at malamig ang simoy ng hangin. Hindi naman siya nakakatakot, umupo kami sa may malaking bato na hindi rin kalayuan sa kotse.
" Palagi ka dito? " tanong ko, nakangiting tumango ito habang nakatanaw sa magandang tanawin.
" Dito ako tumatambay kapag masama ang loob ko o kaya ay may mabigat akong pinagdadaanan. " sabi nito.
" Mabuti na lang at may mga lugar na katulad nito! " sabi ko, tumingin ito sa akin.
" Alam mo ba, kapag may problema akong hindi masabi sa iba or kung may galit ako. Isinusulat ko sa bata tapos ibinabato ko dyan! " sabi nito.
" Talaga? Anong feeling? " curious kong tanong.
" Nakakagaan ng pakiramdam! " sagot nito.
" Totoo? " di makapaniwalang tanong ko, rinig ko ang mahinang tawa nito.
" Oo, subukan mo. Sandali lang! " sabi nito at naglakad patungo sa kotse niya, parang may kinuha siya doon at bumalik sa akin.
Nakangiting inabot niya sa akin ang isang flat na bato na hindi naman kalakihan at isang marker pen. Nagdadalawang isip man ay kinuha ko ito
" Try it! " nakangiting sabi niya at muling umupo sa tabi ko at pinagmasdan ang magandang view.
Napatingin ako sa marker pen at batong hawak at sinimulang magsulat.
Mahal kita pero masakit na, kaya palalayain na kita.
Yan ang mga salitang isinulat ko sa bato.
" Tapos na? " tanong nito nang lingunin ako, ngumiti ako ng mapait at tumango.
" Throw it! " utos nito, tumayo ako at buong lakas na inihagis ang bato.
" Kapag may mga bagay kang hindi kayang sabihin sa iba, pwede mo siyang isulat at ihagis sa kung saan, pwede mo ring sunugin. Para sakin, mas gumagaan ang pakiramdam ko sa ganun. " sabi nito.
He's right! Kahit papaano ay nabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Umupo aking muli at sinamahan siyang pagmasdan ang magandang view.
" Bakit lahat ng lalaki manloloko? " tanong ko out of nowhere, napalingon naman ito sakin at ngumiti saka umiling-iling.
" Wag mo namang lahatin. May mga lalaki paring hindi kayang magloko. " sabi nito.
" Sige, pero bakit nga nagagawang magloko ng iba? " tanong ko dito, i heard him chuckled.
" I don't know! Hindi ko pa naman kasi nararanasang magloko. Para sakin kasi, if you love someone hindi mo na magagawang pang tumingin sa iba at mawawalan ka ng interes sa iba. " sagot nito na ikinangiti ko, sana lahat katulad niya.
" May tatlong uri ng lalaki, yun yung player, faithful at loyal. Kapag player, sila yung mga nakikipagrelasyon lang para sa pansariling kaligayahan at kapag nagsawa, itatapon kana lang basta at papalitan. Kapag loyal naman, ito sila yung mahal ka pero nagagawa paring tumingin sa iba at kahit nagagawa niyang magloko sayo parin niya gustong umuwi palagi. Ang pangatlo ay ang faithful, ito sila yung mga todo magmahal. Hindi na sila tumitingin sa iba at sayo lang nakafocus. " paliwanag nito, so ibig sabihin kabilang si Zane sa mga loyal.
" E ikaw? saan ka kabilang? " tanong ko dito, ngumiti ito ng matamis.
" Syempre sa faithful, bilang isang lalaki kasi naniniwala ako na kung anong ginawa mo sa isang babae, babalik yun sa nanay o kapatid mo. Saka hindi ko guguluhin ang isang babae kung gagaguhin ko rin naman sa huli. Sabi ko nga sa sarili ko, kapag nakatagpo ko na yung babaeng magmamahal sakin at mamahalin ko hinding-hindi ko na siya bibitawan. Kasi ang hirap na ngayon makahanap ng matinong babae tapos sasayangin mo lang. " natatawang sabi nito. Hanga ako sa mindset niya, kung siguro ganito lahat mag-isip, edi walang nasasaktan at walang takot makipagrelasyon.
" Kung ganun wala kang girlfriend ngayon? " diko napigilang tanungin na agad kong pinagsisihan, baka kasi isipin niya intresado ako sa kanya.
" Yep at never pa akong nagkagirlfriend. " sabi nito n ikinalingon ko sa kanya.
" Seryoso? " hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatawa niya, he's cute!
" Oo nga, promise! " sabi nito
" Pero bakit? I mean, gwapo ka at successful sa buhay tapos hindi ka man lang nagkagirlfriend. " sabi ko rito.
" Gusto ko kasi yung first girlfrien ko ay siya narin yung magiging last. " lalo akong napapahanga sa kanya.
" Maghanap kana, baka tumanda kang binata niyan. " sabi ko na ikinatawa niya kaya diko mapigilang mapangiti.
" Hindi yun hinahanap, kusa yung dumarating. " sabi nito.
" Okay, wala na aking masabi. " sabi ko at muli siyang natawa.
" How about you? Niloko ka ng boyfriend mo? " tanong nito, sandali akong natigilan sa tanong niya.
" Asawa! " pagtatama ko, he stunned in a bit.
" Ah, may asawa kana. " sabi nito na tila nalungkot sa nalaman.
" Yep, at plano kong ipawalang bisa na ang kasal namin. He cheated on me, nahuli ko siyang may kasamang babae sa kama at sa bahay pa namin mismo. " kwento ko at pilit pinipigilan ang mga luha at mapait na nakangiti.
Naramdaman ko ang kamay niyang marahang tumapik sa balikat ko.
" As a man, I want to apologize. " sabi nito na na siyang ikinahanga ko pang lalo sa kanya. May ganito pa pala talagang lalaki.
" Hindi deserve ng isang katulad mo ang gaguhin and you don't deserve him. Ipagdarasal ko na sana maging okay kana. " dagdag pa nito.
" Thank you! " saad ko. Mas gumaan pa yung pakiramdam ko dahil sa kanya. Minsan hindi rin pala masama ang makipag-usap sa isang stranger.
" Siya nga pala, ano namang pinagdadaanan mo at ginusto mong magtungo dito? " tanong ko, napabuntong hininga ito.
" Nag-aalala lang ako sa kapatid ko, masyado siyang nagpapadala sa nararamdaman niya. Dalawa lang kasi kaming magkapatid at ang mga magulang namin patay na. Siya na lang ang meron ako, ayon gusto na niyang makipag live in sa murang edad. At wala akong magawa kundi hayaan siya sa gusto niya. " sabi nito, nakikita ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya. Nakikita ko sa kanya ang kuya ko.
" She's lucky to have you! Ang gawin mo na lang ay subaybayan siya palagi. Masyado pa siyang bata kaya ganun siya magdesisyon. " komento ko, tumango naman ito at ngumiti.
" Yeah! You're right! " sabi nito.
Nagkwentuhan pa kami sandal pagkatapos ay nagpasya nang umalis.
" Farrah! This is my calling card, in case you need my help " masayang sabi nito saka inabot ang isang calling card na agad ko namang kinuha.
" Yeah! Sure, salamat! " nakangiting tugon ko.
" So let's go! Ingat s pagdadrive. "
" Ikaw rin! " sabi ko at sumakay na ako sa kotse, ganun din ito.
Sana magkita pa kaming muli, he's a nice guy. Nakangiti ako habang nagdadrive, this is the first time na may nameet akong ganitong lalaki.
Gwapo, matalino, mabait, maganda ang mindset at successful sa buhay. Hindi ako palahanga sa mga lalaki, pero heto ako ngayon nakangiti dahil sa kanya.
Lord bakit ngayon mo lang siya pinakilala sakin? Sana noon pa diba? Para diko na naranasan ang isang failed marriage.
Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ako mag-isip? Ipinilig ko ang aking ulo at binura sa isipan ang mga naiisip at nagfocus sa pagdadrive.