" Anak saan ka pupunta? " tanong ni mama. Isang buwan narin akong narito sa kanila, isang buwan na mula nang makalabas ako sa ospital at isang buwan narin kaming hindi nagkikita ni Zane.
Desidido na akong makipaghiwalay at ngayon nga ay plano kong puntahan ito at sabihin na gusto ko ng annulment. Naisip kong ito na ang tamang panahon para gawin ko naman ang mga bagay na gusto ko, mga bagay na matagal ko nang isinantabi para sa relasyon namin.
Relasyon namin na sa isang pagtatalo lamang ay kinalimutan niya na agad at sinira.
" Anak, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? " tanong ni mama, ngumiti ako ng pilit. Gusto ko kasing makita niyang okay na ako at handa na ako sa kalalabasan ng relasyon namin ni Zane kahit ang totoo sobrang sakit parin sakin lalo na kapag naaalala ko ang ginawa nito.
" Hindi na ma, isa pa gusto ko naring maging malaya sa kanya. Sobrang nakakasakal narin naman siya e, gusto kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa dahil sa kanya. " sagot ko kay mama, umupo ito sa aking kama habang ako nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Kasalukuyan kasi akong nag-aayos nang pumasok ito.
" Pero anak, wag kang magpadalus-dalos. Wag kang magdesisyon ng hindi pinag iisipan ng mabuti. Baka naman pwedeng mag usap muna kayo. " sabi nito, tumayo ako at umupo sa tabi niya at yumakap dito.
" Nakapagdesisyon na ako ma at napag isipan ko na po ito ng mabuti. " sabi ko.
" Pero anak, malulungkot ang papa mo niyan. " wika nito, bumuntong hininga ako.
Sobrang close kasi ni papa at Zane at alam ko kung gaano niya hinahangaan ito dahil sa galing nito sa negosyo. Madalas nga tinutulungan siya ni Zane e, ako kasi wala ring alam sa negosyo. Nagtapos nga ako ng business management pero pumasok lang ako at hindi nag-aral. Kinuha ko ang kursong yun kasi gusto ni papa at para narin makasama lagi si Zane.
" Sana lang maintindihan ni papa! " saad ko.
" Anak, lahat naman nagkakamali e at lahat deserve ang second chance. " Ewan ko ba, pero feeling ko kakampi ni Zane ang lahat. Bakit kung magsalita sila parang ganun lang kadali? Hindi ba nila alam kung gaano kasakit sakin yung nangyari?
" Ma, kahit pa magkabalikan kami ni Zane hindi rin kami magiging okay. Mauungkat at mauungkat rin ang kasalanang nagawa niya at sigurado akong iyon lang din ang magiging puno't dulo ng pagtatalunan namin palagi. "
" Anak, ikaw lang ang nag-iisip niyan. Subukan mo lang, tignan mo kami ng papa mo. Niloko niya rin ako noon, niloko niya tayo! Pero nagawa ko siyang patawarin at bigyan ng second chance, tignan mo ngayon. Naging maayos naman tayo! " kwento nito.
" Ma, kayo yun! Magkaiba tayo. Sige na po, kailangan ko na umalis. " sabi ko at kinuha na ang aking bag at tumayo. Humalik muna ako kay mama bago tuluyang talikuran ito.
Hiniram ko muna ang kotse ni mama, paglabas ko ng bahay ay agad akong sumakay at pinaharurot ito. Pagkababa ko ng sasakyan ay pinagmasdan ko ang mataas na building kung saan may nakalagay na malaking Z&F INFINITY. Ito ang pangalan ng kompanya niya, ilang beses narin akong nakapunta rito at kilala na ako ng mg tao.
" Good morning ma'am! " nakangiting bati ni Manong guard nang makita ako, ngumiti lamang ako rito at tuloy-tuloy na pumasok. Lahat ng makakasalubong ko ay binabati ako at tanging ngiti lamang ang sagot ko.
" Good morning ma'am! " masayang bati ng secretary niyang si ate Dolly, she's 35 years old at may asawa't anak narin.
" Si Zane po andyan? " tanong ko rito.
" Nasa meeting pa po, pumasok kana lang at hintayin siya sa loob. " wika nito.
" Sige po ate Dolly! " magiliw kong sabi at pinapasok ako nito at lumabas din naman siya. Inikot ko ang paningin sa malawak na silid. Naaalala ko pa, dati kapag sinasama niya ako dito halos hindi siya makapagtrabaho dahil panay siya asikaso sakin. Gusto niya nasa tabi lang niya ako, minsan naman kandong niya ako at yakap yakap.
Okay na sana e, kontento na ako sa ganung set up namin. Kontento na akong maging housewife at sunod-sunuran sa kanya kung hindi niya lang ako nagawang lokohin.
Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo at umupo sa sofa. Sa sofa kung saan madalas kaming magkayakap, magkahalikan na minsan napupunta sa pagtatalik. Umiling-iling ako upng iwaksi ang mga ala-alang hindi na dapat pang alalahanin.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito si Zane, hindi naman ito nagulat nang makita ako. Tila natuwa pa nga ito habang nakatitig sa akin. Mabilis ang hakbang na lumapit ito sa akin at agad kong pinigilan nang yayakapin ako nito na ikinakunot ng noo niya.
" I came here to talk to you " sabi ko at medyo umatras upang makalayo ng kaunti sa kanya. Para kasing hindi ko kayang ituloy ang plano ko kapag malapit siya sakin, baka maging marupok ako.
" Yeah! I know, matagal kitang hinintay na kausapin ako kaya masaya akong narito kana ngayon at handa nang kausapin ko. " kita ko ang kaligayahan sa mukha nito. Pansin ko rin ang pangangayayat nito at tila hindi nakakatulog, yung balbas niya medyo mahaba narin.
" Gusto ko na makipaghiwalay! " kita ko ang pagkagulat sa mukha nito at tila hindi alam ang sasabihin.
" Gusto ko ng annulment! " dagdag ko.
" You're joking right? " nakangiting tanong nito at akmang lalapit muli sakin pero pinigilan ko.
" No! Bakit naman ako magbibiro? Desidido na ako Zane, gusto ko ng annulment! " sabi ko rito, kita ko kung paano gumuhit ang takot at pangamba sa mukha nito.
" N-no! pinangungunahan ka lang ng galit mo kaya mo nasasabi yan " garalgal ang boses nito at napapasuklay pa sa buhok gamit ang daliri.
" No Zane! Nakalimutan ko na ang nangyaring yun. Nakamove on na ako at gusto ko nang magsimula muli ng panibagong buhay ng wala ka " sabi ko, kita ko kung paano nasaktan ito sa sinabi ko. Gustong-gusto ko na siyang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa dahil yung galit ko nandito parin, yung sakit na dulot niya andito parin.
" No, Farrah! Hindi ako papayag! Mahal kita at alam kong mahal mo ako, pinagsisisihan ko ang nangyaring yun. Kaya wag naman ganito. " mariing sabi nito at kita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha.
" Wala kang magagawa Zane, magfa-file ako ng annulment. " disididong sabi ko.
" Ano bang gusto mong gawin ko para maging okay tayo ulit? Farrah, alam kong nagkamali ako pero hindi naman kailangang umabot sa ganito " tila nakikiusap na sabi nito.
" Zane, pagod na ako. Pabayaan mo na ako " sabi ko at yumuko dahil baka hindi ko kayanin kung patuloy ko siyang makikita na nasasaktan sa sinasabi ko.
" Ayaw ko! " mariing sabi nito.
" Sa ayaw at sa gusto mo gagawin ko ang lahat para mapawalang bisa ang kasal natin. " sabi ko, kita ko ng pag-igting ng panga nito.
" No Farrah! Tinitiyak ko rin sayong gagawin ko ang lahat para hindi magrant ng korte ang punyetang annulment na yan. Remember this Farrah, you'll stuck with me forever at wala ka nang kawala pa. " saad nito at dahan-dahang lumapit sakin na ikina-atras ko.
" Isang buwan akong nagtiis, isang buwan kitang hinayaang makapag isip tapos pagbalik mo ito ang sasabihin mo. Sorry pero hindi ko magagawa ang gusto mo, you'll be my wife forever. " kinakabahan na ako nang maramdaman ang pader sa likod ko habang siya palapit ng palapit sakin.
" Zane stop! " sigaw ko rito at buong lakas na itinulak nang yayakapin niya ako. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nito.
" Pabayaan mo na ako! Palayain mo na ako! " sigaw ko at bago pa man tumulo ang luha ko ay tumakbo na ako palabas, rinig ko pa ang pagtawag nito sa akin pero hindi ko na pinansin. Kita ko ng pagtitinginan ng mga tao sa paligid dahil siguro sa pagtakbo ko habang umiiyak.
Agad akong sumakay ng kotse at hinampas ang manibela.
" D*mn it! " sigaw ko bago paandarin ng makina at tuluyang nilisan ang lugar. Pinunas ko ang luha bago tinawagan si Avery.
" Where are you? " tanong ko rito.
" Sa condo, bakit? " sagot nito, agad kong pinatay ang tawag ng walang paalam at dumeretso sa condo niya.
Pag-akyat ko ay agad akong nagdoorbell at pinagbuksan naman ako nito.
" Anong nangyari sayo? " kunot noong tanong nito nang tila napansing kagagaling ko lang sa iyak. Dere-deretso ako ng pasok at nagtungo sa mini bar habang nakasunod ito.
" Itanong mo sa demonyong Zane na yun! " nangigigil kong sabi at kumuha ng wine glass at sinalinan ito ng wine.
" Nag-kausap na kayo? " tanong nito, inisang lagok ko ang laman ng wine glass at naramdaman ang pagguhit ng init sa lalamunan ko.
" Oo at ayaw niyang pumayag sa annulment na gusto ko! " inis na sabi ko bago nagsalin muli ng wine at ininom.
" Farrah, pag isipan mo muna kasi ang annulment na yan. Masyado ka lang nadadala ng galit mo dahil sa nangyari e. " sabi ko rito, tumingin ako ng masama dito.
" Tell me Avery, sino bang magkakagustong makasama pa ang lalaking manloloko? Nang dahil sa kanya, nang dahil sa panloloko niya muntik na akong mamatay. " galit na galit na saad ko.
" Farrah, magpalamig ka muna bago ka magdesisyon. Subukan niyong mag-usap ng mahinahon. " wika nito.
" I tried! Sinubukan ko siyang kausapin sa maayos na paraan pero siya pa itong may ganang sigawan ako at sabihing hinding hindi siya makikipaghiwalay. "
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo. " sabi nito at umupo sa tabi ko.
" Bahala siya sa buhay niya, basta gusto ko ng annulment tapos. " sabi ko at sunod-sunod ang pag inom.
" Huy! Magpapakalasing kaba? " tanong nito at pinigilan ang akmang pagsalin kong muli ng wine.
" Oo, para makalimot man lang kahit sandali! " saad ko at inalis ang kamay niya at pinagpatuloy ang pagsalin ng wine at deretsong ininom. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.
" Tara sa probinsya namin! " aya ko dito, kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Lagi naman kaming nagpupunta doon noon tuwing bakasyon.
" Farrah, may kailangan pa akong gawin e. Sorry, hindi kita masasamahan. " tinignan ko siya ng masama.
" Si Calix na naman! Sabi ko naman kasi sayo sabihin mo na sa kanya ang totoo. " inis na sabi ko rito.
" Hindi yun ganun kadali "
" Punyet*ng mga Meyers yan, wala pang matino! " galit kong sigaw!
" Huy! Kailan kapa natutong magmura ha? " nagtatakang tanong nito, maging ako ay tila natauhan din. Baka epekto ng alak.
" Aywan, para ngang mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nagmumura ako! " mahinang sabi ko at naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Naramdaman ko ang kamay niyang humahagod na sa likod ko kaya mas lalo akong napaiyak.
" Sobrang sakit parin e! At alam mo ba kung ano ang nakakainis? Nakakainis na kahit nagawa niya akong lokohin, na kahit muntik na akong mamatay dahil sa kanya ay tila gusto ko parin siyang yakapin nang makita ko siya. " umiiyak kong sabi. Sa pagkakataong ito ay niyakap niya na ako at mas lalo akong napahikbi.
" Ang sakit Ave! Sobrang sakit! Hindi ko alam kung anong iisipin, feeling ko kasalanan ko kung bakit nangyari to sa amin. " iyak ko.
" Sssssh! Wag mong sisihin ng sarili mo! " bulong nito.
" Bakit niya to nagawa sakin? bakit? Para akong kandila na iniwan niyang nakasindi at unti-unting nauupos e. Para na akong mababaliw Ave! "
Mas magaan pala sa pakiramdam kapag inilabas ang lahat ng sama ng loob. Mas magaan na may pinagsasabihan tayo ng nararamdaman natin. Siguro pagkatapos nito, okay na ako ulit. Sana lang ay sa susunod na pagkikita namin ay mas matatag na ako.