Nagising ako sa isang puting kwarto, nasa ospital pala ako. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa aking kamay.
Naramdaman ko ang pagsakit mg aking ulo, dahan-dahan kong inalis ang kamay niya at umupo ako.
Pilit kong inalala ang mga nangyari, muling nilukob ng galit ang puso ko nang maalala ang nangyari. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha, ikinuyom ko ang aking palad at mariing pumikit.
Napamulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si mama. Kita ko ang pag aalala sa mukha nito kay mas lalo akong napaiyak. Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
Siya namang paggising ng lalaking kinamumuhian ko na nakatulog sa gilid ng hospital bed ko, agad itong tumayo.
" B-babe! " tawag nito sakin at akmang bibitawan ako ni mama pero mas hinigpitan ko ang yakap dito.
" Mama, paalisin niyo siya dito. Ayaw ko siyang makita. " umiiyak kong sabi.
" B-babe, wag naman ganito oh! " tila nahihirapang sabi ni Zane.
" Ma please! " pagsusumamo ko kay mama, rinig ko ng pagbuntong hininga nito.
" Zane, lumabas kana muna. " sabi ni mama dito.
" Pero ma... " pagtanggi ni Zane.
" Hayaan mo muna siya, saka na kayo mag-usap pag okay na siya. " mahinahong sabi ni mama.
Tila walang nagawa si Zane, rinig ko ang sandaling katahimikan. Ilang sandali pa ay narinig ko ng mga yabag nito palabas ng kwarto at ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Mas lalo akong napahikbi habang mahigpit paring nakayakap kay mama.
" M-mama... Ang sakit po! Ang sakit-sakit! " iyak ko.
" Alam ko, alam ko anak! " bulong nito habang hinahagod ang aking likod.
" Paano po nagawa sakin yun ni Zane? " tanong ko kahit alam kong hindi rin niya alam ang sagot.
" Anak! Lahat tayo nakakagawa ng pagkakamali, subukan mong pakinggan ang paliwanag niya. " sagot ni mama.
" Mama, hindi ko pa siya kayang kausapin. Masakit pa e, at sa tuwing maaalala ko ang nakita ko hindi ko mapigilang umiyak. Kasi ang sakit e, akala ko mahal niya ako. Akala ko iba siya sa lahat, akala ko yng Zane na minahal ko hindi ako kayang lokohin. "
" Alam kong masakit at mahirap. Hindi naman kita minamadali e. Parang sugat lang yan, kailangan mo munang linisin bago mo lagyan ng benda. " ang sarap lang pag may nanay ka na laging nasa tabi mo kapag kailangan mo.
" Mama, kasalanan ko ba kung bakit niya nagawa yun sakin? " tanong ko.
" Anak, hindi! Wala kang kasalanan. " sagot nito.
" Mama, pwedeng dun muna ako sa inyo umuwi? Gusto ko na po umuwi ngayon din. "
" Sige anak, kakausapin ko yung doctor. " sabi ni mama.
" Salamat mama! "
ZANE POV
" Zane paano mo yun nagawa? " galit na tanong ni Avery. Naabutan ko siya dito s bahay pagkauwi ko galing ng ospital.
Naiintindihan ko ang galit nilang lahat sa akin dahil maski ako galit na galit sa sarili ko.
" Hindi ko alam, lasing ako at wala akong matandaan. Ang alam ko lang nagpunta ako ng bar at nagpakalasing. " nakayuko kong sabi, pagod na akong umiyak.
Nang malaman kong naaksidente siya ay halos mabaliw ako. Kulang na lamang ay liparin ko ang ospital para makita siya agad. Sobrang pagsisisi at pagkagalit sa sarili ang nararamdaman ko. Sobra ko siyang nasaktan at dahil sa akin muntik na siyang mamatay.
Yung babaeng nakasama ko sa bahay nang lasing ako hindi ko kilala at tila bula naring naglaho, marahil ay hindi rin niya ginusto ang nangyari at natakot sa pwedeng mangyari.
Laking pasalamat ko narin na hindi na siya naghabol pa.
" My god Zane! Hindi parin sapat na dahilan yun! " mariing sabi nito.
" I know! Maski ako nagagalit sa sarili ko. Mahal ko siya Avery at hindi ko siya kayang mawala sakin, please help me. " para na akong baliw, dahil gumawa ako ng kasalanan tapos magpaatulong ako sa iba.
Nang banggitin pa lamang niya ang salitang maghiwalay na kami ay para na akong mababaliw. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin.
" I can't help you Zane! Knowing Farrah, kahit anong sabihin ko hindi yun makikinig. Ikaw ang gumawa ng problema, ikaw din ang mag isip ng solusyon. I'm so disappointed with you! " sabi nito at naglakad na paalis.
Nanghihina akong napaupo sa sofa.
" Anong gagawin ko? Ang tanga-tanga ko! " bulong ko sa sarili ko habang nakasabunot ang dalawang kamay sa buhok ko.
Narinig ko ang yabag ng kung sino na palapit sa akin.
" What happened? " tanong ni mama at umupo ito sa tabi ko.
" Ayaw niya akong kausapin, galit na galit siya sakin. " naluluha kong kwento.
" Well, maski naman sino. Hindi mo siya masisisi, nasaktan mo siya. " tumango tango ako.
" Ma, i love her! at hindi ko kakayaning mawala siya sakin. What would i do para mapatawad niya ako? " tanong ko.
" Hmm.. hayaan mo muna siya, hayaan mo munang maghilom ang sugat s puso niya saka mo siya kausapin. Saka ka gumawa ng hakbang para magkaayos kayo. Wag muna ngayon dahil itataboy ka lang niya. " sabi nito at hinawakan ako sa balikat.
" Paano kung iwanan niya ako? Paano kung hiwalayan niya na ako? " parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
" Wag kang pumayag kung talagang mahal mo siya! Kung ayaw mo siyang mawala, gawin mo lahat para mapatawad ka niya at wag ka niyang iwan. Alam mo anak, ang sugat sa puso nagagamot niyan ng oras. Bigyan mo lang siya ng sapat na oras para makapag isip. Kapag handa na siyang kausapin ka, then grab that opportunity para kunin ang kapatawaran niya. Tandaan mo, walang matigas na puso sa mainit na pagsuyo. " napangiti ako sa huling sinabi ni mama.
" Thanks ma! " sabi ko.
" Halika na nga, kumain kana para makatulog ka! Wala ka pang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya sa ospital. " sabi nito at hinila na ako sa kusina.
Okay lng naman sakin kahit hindi ako kumain at walang tulog basta masiguro kong ligtas na siya. Halos dasalan ko lahat ng santo para magising na siya, laking pasalamat ko at hindi ganun kalala ang nangyari sa kanya.
Bakit ba to nangyari sa amin? Bakit ko ba nagawang mag uwi ng ibang babae? Napakagago ko!