Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba nang marating ko ang aming bahay. Dali-dali akong bumaba ng kotse, inikot ng mata ko ang buong sala pero wala naman akong makitang kaduda-duda. Umakyat ako ng hagdan, mas lalo akong kinabahan at rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko na tila nakikipagkarerahan sa pagpintig.
Dahan dahan kong tinungo ang kwarto naming mag-asawa at binuksan ang pinto. Para akong binagsakan ng langit at hindi makagalaw nang makita kung sino ang nasa kama. Bumaba ang tingin ko sa sahig at doon ay nagkalat ang kanilang damit. Bumalik muli ang mga mata ko sa dalawang taong tila tahimik na natutulog. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking mga luha, hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin.
Paano nagawa sakin to ni Zane? Paano?
Napahikbi na ako at tila isang kidlat ang galit na biglang nilukob ang puso ko. Parang gusto kong pumatay ano mang oras, sobrang sakit.
Ganito pala ang pakiramdam pag nahuli mo yung asawa mong may kasamang babae, taimtim silang natutulog na tila pagod sa ginawa buong gabi. Walang mga saplot at magkayakap.
Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko at tila hindi parin ako makagalaw kahit na gustuhin kong tumakbo palayo.
" What the hell! " tila isang kulog na sigaw ng kung sino man ang nasa likuran ko na.
Naglakad ang mama ni Zane papasok ng kwarto, sandali pa itong sumulyap sakin pero hindi ko siya magawang tignan. Tila nakadikit ang mga mata ko sa dalawang nasa kama.
Dali-daling lumapit sa kanila si mama at hinampas si Zane ng unan. Tila nagulat naman ang isa at napamulat. Tumingin siya kay mama na ngayon ay galit na galit bago tumingin sakin.
" Zane, anong ibig sabihin nito? " sa sigaw ni mama ay nagising narin ang babaeng katabi nito na tila gulat na gulat.
Kita ko ang pagtataka at tila naguguluhan na mukha ni Zane nang lingunin niya ang babae habang ako ay walang patid sa pag iyak at paghikbi.
Tumingin ito sa akin, nnghihina ako at parang ano mang oras ay babagsak na ako sa sahig.
" L-love, let me explain. " garalgal nitong sabi.
" Huy! Ikaw babae ka, ano pang tinatanga tanga mo dyan? Lumayas ka ditong malandi ka! " sigaw ni mama at kinaladkad ang babae pababa ng hagdan.
Nang makababa ang babae ay mas lalong lumakas ang paghikbi ko dahil pinulupot niya sa katawan ang kumot at kita ko ang hubad na katawan ni Zane at walang kahit anong saplot. Nakita rin ng mga mata ko ang patak ng dugo sa kama.
" Sandali lang po! " naiiyak na sabi ng babae pero hindi siya pinakinggan ni mama at hatak hatak sa buhok na nilabas ng kwarto.
" L-love! " kinakabahang tawag sakin ni Zane at nagmamadaling kinuha ang mga damit at isinuot. Hindi ko na napigilan ang sariling mapaupo sa sahig, nang makita niya ako ay dali-dali itong lumapit sakin pero agad kong pinigilan.
" Wag! Wag kang lalapit sakin! " mariing sigaw ko sa kanya habang patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha.
" Paano mo to nagawa sakin? Paano? " humihikbi kong tanong.
Sobrang sakit! Hindi ko na-imagine na mangyayari ito samin, na magagawa niya to sa akin.
" Love! I'm sorry, wala akong matandaan. Lasing ako! " Mabilis ko siyang tinignan ng masama na tila bubulagta na siya sa nakamamatay kong tingin ano mang oras.
" Ni sa panaginip Zane, hindi ko naisip na magagawa mo to sakin. Nagtiwala ako sayo ng buo, sinunod ko lahat ng gusto mo. Kahit nasasakal na ako sayo, hindi ako nagreklamo. Pero t*ngina naman Zane, isang gabi lang ako nawala. Isang gabi lang... " umiiyak kong sabi sa kanya, nagtangka muli siyang lapitan ako pero pinigilan ko siyang muli.
" Wag mo akong lalapitan! Nandidiri ako sayo! Akala ko hindi mo to kayang gawin, naniwala ako sa pagmamahal mo sakin pero bakit? " yung ang dami-dami kong gustong sabihin pero parang ayaw lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang saktan pero heto ako parang lantang gulay na nakaupo sa sahig.
" Love, please! Hindi ko siya kilala, wala akong matandaan. " i saw him crying na mas lalo kong ikinagalit.
Kasi ako nasaktan e, bakit siya umiiyak? Ako lang dapat!
" Wag mo akong gawing tanga Zane! Hindi ako bobo! " galit na galit kong sigaw sa kanya, muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay na pilit kong inaalis.
" Wag mo akong hahawakan! Wag kang lalapit! Ayaw ko sayo, nandidiri ako! Nakakadiri kayo! " umiiyak kong sigaw at malakas siyang itinulak na ikinatumba niya.
Ginamit ko ang natitira kong lakas upang tumayo.
" Dahil ba ayaw kitang bigyan ng anak kaya naghanap ka ng bubuntisin mo? Sige kung yan ng gusto mo, hahayaan na kita. Maghiwalay na tayo at wag na wag mo na akong lalapitan pa. " sigaw ko at akmang tatalikod na nang mabilis niya akong nayakap sa likod, humihikbi narin siya.
" Love, no please! I'm begging you, don't do this. Wala yun, hindi ko alam ang nangyari. " naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya. Buong pwersa kong inalis ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko at itinulak siya palayo sakin.
" Maghiwalay na tayo! " mariing sbi ko at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto, rinig ko ang pagsigaw niya at pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko na nilingon.
Nang makalabas ako ng bahay ay narinig ko ang mga yapak niya sa likuran ko pero bago p man niya ako malapitan ay agad siyang hinarang ng kanyang ina.
" Hayaan mo muna siya! " rinig kong galit na sigaw ng kanyang ina.
" No ma! " sigaw din ni Zane pero wala na akong pakialam, ang gusto ko lang ay makaalis na dito. Pagkasakay ko ng kotse ay agad ko itong pinaharurot, habang umiiyak ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho.
Parang biglang nawalan na ako ng pakialam sa mga mangyayari. Gusto ko na lang magpahinga, gusto ko na lng matulog at wag na gumising.
Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ko nang may makitang kotse sa harap ko, rinig ko ang malakas na pagkakabangga ko at ang paghampas ko harap ng kotse. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo at pagkahilo.
Naalala ko pa ang mga masasayang araw namin ni Zane, mula sa panliligaw niya sakin hanggang sa sagutin ko siya. Naalala ko rin yung araw na magpropose siya sa akin sa harap ng maraming tao hanggang sa ikasal kami. Ang saya ko noon e, ang saya namin.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang tila nandidilim na ang paningin ko, rinig ko pa ang sigaw ng mga tao bago ako tuluyang mawalan ng malay.