" Anak, napadalaw ka? may problema ba? " tanong ni mama nang makita ako sa sala, mukhang galing siya sa garden. Lumapit ako dito at humalik sa kanyang pisngi. Naisip ko kasing dumalaw dito at kausapin sana si papa baka sakaling may masagap akong impormasyon tungkol sa mga ginagawa ni Zane. " Wala naman po mama, masama na bang dumalaw? " biro ko na ikinatawa niya. " Ikaw talagang bata ka! " sabi nito saka kami umupong dalawa. " Ma, si papa? " tanong ko, nag merge kasi ang company ni papa at Zane kaya sigurafong laging nagkikita at nagkakasama ang dalawa. " Maagang umalis ang papa mo at gabi narin ito umuuwi lagi. May problema daw kasi ang company. " sabi ni mama, bigla akong napaisip. Ano kayang problema? kaya ba stress si Zane? " Ano po kayang problema? " curious kong tanong, nagkibi

