" Malulungkot ako ate kasi dina kita makakasama. " nakangusong sabi ni Caila, niyakap ko ito at hinaplos ang kanyang buhok. " Pwede mo naman akong tawagan. May social media naman e. " nakangiting sabi ko dito. Maging ako paniguradong malulungkot din, nasanay na akong kasama silang dalawa e. They are like a family to me. " Ate, sobrang bait mo sa amin ni kuya. Thank you! " sabi nito na ikinangiti ko. Kahit sino sigurong makasalamuha ng mga ito ay magugustuhan sila dahil sa kabutihan ng kanilang puso " Ako nga dapat ang mag thank you dahil pinatuloy niyo ako dito at tinuring na kapamilya. " sabi ko dito. Ngumiti silang dalawa habang nakatingin sakin. " Farrah! if you need anything just call me. I'm just one call away." napatingin ako kay Clyde. Nasa sala pa lamang kami at mamaya pa ang f

