" Tao po! " pagtatawag ko sa isang simpleng bahay, nasa probinsya na ako at nang magtanong ako kung saan ang bahay ng lolo at lola ni Farrah ay dito ang tinuro. Pinaalis ko agad yung driver namin at baka pabalikin pa ako agad ni Farrah. " Sino yan? " tanong ng isang boses ng matanda at alam kong si lola iyon, kilala ko naman sila dahil ilang beses narin silang namasyal doon at nagpunta rin sila sa kasal namin. " Magandang umaga po lola! " masayang bati ko dito nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Kumunot ang noo nito tanda na hindi niya ako makilala. Ngumiti ako at mabilis na lumapit sa kanya saka nagmano. " Ako po ito si Zane, asawa ni Farrah. " pagpapakilala ko na agad niyang ikinangiti. " Ay naku bata ka! Ikaw na pala iyan, napakagwapo mo parin. " masayang sabi nito at niyakap ako na

