Timmy's Point of View. Nanlulumo akong napaupo sa waiting area nitong ospital habang nasa loob ng emergency room si fafa Klein at nag-aagaw buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyaring trahedya sa concert nila. Nagpapasalamat pa din ako kahit papa'no dahil hindi siya ganun napuruhan at wala nadamay na iba sa nangyaring gulo. Pero nagaalala pa rin ako sa kalagayan ngayon ng asawa ko. Paano kung hindi niya kayanin? Paano kung mamatay siya? Pinigilan ko ang maiyak sa posibilidad na mangyari sa kanya matapos. Paano na ako nito mga beks? Edi mabubyuda ako nito ng maaga kapag nawala na siya sa piling ko. Wala sa sarili akong napatayo sa ideyang pumasok sa isip ko. Hindi pwedeng mamatay si fafa Klein. Hindi ko pa siya nahahalikan at mas lalong hindi ko pa siya naaangkin

