Timmy's Point of View. "Hey! Don't be scared. Nandito lang ako sa tabi mo." napabaling ang tingin ko sa kanya nang hawakan ng isa niyang kamay ang kanina pang hindi mapakaling akin. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng highway patungo sa mansyon ng kanyang mamita. Kagabi pa ako hindi mapakali dahil baka sa susunod naming makaharap ang kanyang mamita ay tuluyan na akong nitong lamunin ng buhay. Baka sampalin na ako nito sa galit at hindi na makapagpigil na saktan ako. Ano na lang ang gagawin ko kapag ginawa niya ang mga posibleng bagay na yun? Mapait ko na lamang nginitian si Klein nang hindi na maalis sa kanyang mukha ang pagaalala sa akin. Sa ginawa niyang paghawak sa aking kamay ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan. Kahit papaano ay nagagawa niya akong pakalmahin. Dahil

