Patrick's Point of View. "Ginamit lang kita." nakita ko ang pag-angat niya ng tingin sa akin. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nabigo ako. "Ginawa lang kitang pampalipas-oras na hindi talaga kita minahal noon pa man." pagak akong napatawa nang may bigla akong naalala na nagpagulo sa relasyon na meron kami noon. "Oo nga pala! Sinet-up nga pala kita noon para magmukhang ikaw ang naging dahilan ng paghihiwalay natin. Na nambabae ka. Ikaw naman kasi eh, masyado ka namang nasarapan sa akin. Ganun ba talaga ako kasarap para mabaliw ka sa akin ng ganyan?" wala ako sa sarili na nasambit ang lahat ng mga salitang yun na labis na nagpakirot sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kalaunan ay walang nagsalita sa pagitan naming dal

