Timmy's Point of View. Halos hindi ko na mapigilan ang malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa labis na kaba. Patuloy ko lang rin pinaglalaruan ang mga daliri ko upang kahit papa'no ay maibsan ang hindi pagiging panatag ng isip ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko magawang makapagisip ng maayos. Hindi ko alam ang gagawin ko. "I will help your father but in one condition." muli akong napaangat ng tingin sa matandang kaharap ko, ang lola ni Klein. ----- Katatapos pa lamang nang klase namin nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Jean. "Nandito na ako sa labas ng room niyo." basa ko sa mensahe niya. Napangiti ako at dali-daling niligpit ang mga gamit ko sa mesa tsaka mabilis na lumabas sa classroom namin. Kanina kasi nang lunch ay niyaya niya ako kumain sa labas para raw i-ce

