Timmy's Point of View. "What are you doing in my room?" Hindi ako kaagad nakagalaw sa pwesto ko nang umalingawngaw ang buong boses niya sa loob nitong maliit na kwarto. Ayokong humarap sa kanya. Natatakot ako sa posibilidad na makita kong reaksyon ng mukha niya. Ayoko nang maulit pa yung nangyari noon. Napakagat na lamang ako sa labi ko at dinama ang mabilis na t***k ng puso ko. Hindi ko alam! Sadyang ganito talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit siya. Paano pa kapag kinausap niya ako? Sobrang nakakakaba ang mga ganitong pangyayari. Wala pa sana akong balak na humarap sa kanya ang kaso siya na ang gumawa no'n. Parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan nang maramdaman ko ang pagkabig niya sa braso ko. Gulat akong napatingin sa kanya maging s

