Timmy's Point of View. "I'll promise you to love you every single second of our lives and make you happy when you're sad. Tim, I love you." "Mahal din kita Klein." Unti-unting lumapit ang labi namin sa isa't-isa. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na damhin ang labi niya sa akin. Ngunit ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa din akong maramdaman. Pinili kong imulat ang mata ko at--- isang white lady ang bumulaga sa harap ko dahilan para mapaatras ako at mapatili ng bongga. Nagising ako sa nakakatakot na panaginip na yun na masakit ang balakang. Kahit papaano nagpapasalamat ako sa pagkakahulog ko sa kama kundi mababaliw na talaga ako. Nakakaloka naman yun. Pati ba naman sa sarili kong panaginip, pinagkakait sa akin si fafa Klein. Ang sama ng tadhana sa'kin ah. Humawak a

