Timmy's Point of View. "Are you okay?" tanong sa akin ni fafa Patrick. Wala akong maisagot dahil sa katangahan na nagawa ko. Siguro pinagtatawanan na ako ng lalaking 'to sa isip niya, di ko lang alam. Pero huwag naman sana... Pero ang mas malala ay tawagin ako ng asawa kong 'lampa'. Ang sakit niya lang magsalita. Kung ituring niya ako ay parang wala kaming pinagsamahan. FYI, fafa Klein, asawa kita kaya huwag mong sasaktan ang damdamin ng mala-dyosa mong kasintahan. Ako lamang ay umibig sayo at nangagarap na masuklian ito. Hindi ko hinahangad na ika'y magkagusto, sa isang tulad kong maligno. Pwe! Ang bantot naman pakinggan ng last word na yun. May matono lang talaga sa pagiging makata ng ating dyosa. Timmy, nadulas ka lang naalog na agad ang utak mo. Higpitan mo nga yang mga tornilyo s

