Timmy's Point of View. Naloka talaga ako ng sobra sa pahawak-hawak kamay ni fafa mong Patrick. Hindi niya man lang ba inisip kung ano ang maaring maramdaman ng isang dalagang Pilipinang tulad ko? Masyado siyang padalos-dalos. Nakakahabag ng damdamin para sa isang kagaya ko. Pero sabi ng malanding side ko--- yung Magdalena ba. Ituloy lang daw niya ang ginagawa niya at masusungkit niya din daw ang matamis kong oo. Push lang ng push at ang ending mabubuntis ang lola niyo. Chaka ka! Wala pala tayong matres. Kaya ituloy pa rin ang push. Hanggang sa kumain kami ay nanatili lang akong tahimik at ilang ang nararamdaman sa bawat sulyap niya sa'kin. Hindi ko pinapahalata na kinikilig ang matres ko, baka masuko ng tuluyan. Bawat subo ko ay sinisigurado kong magagandahan siya sa'kin dahil sinasadya

