Timmy's Point of View. Nagising ako na masakit ang buong katawan. Nanlalabo pa rin ang paningin ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay sumuka ako dahil sa labis na pagkahilo. Umiikot ang buong paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang kinalalagyan ko ngayon. "K-klein..." kahit nanghihina at paos ay pinilit kong tawagin ang pangalan ni Klein. Saglit akong natigilan nang bigla kong maalala ang huling nangyari. Napaluha ako. Nanariwa sa isipan ko ang walang-malay at duguang kasintahan ko. Kung paano nangyari 'yon ay hindi ko na nasundan dahil sa mabilis na mga pangyayari. Napadaing ako sa sakit nang ilang ulit na kumirot ang ulo. Hahawakan ko na sana ito nang mapansin ko ang nakatali kong kamay. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kinalalagyan kong sitwasyon. Nakatali ang pareho

