Timmy's Point of View. "So did you both have s*x already?" pilosopong tanong sa akin ni Keith na animong may kung anong maruming bagay ang tumatakbo ngayon sa kanyang isip. Napangisi pa at at nangingislap ang mga mata habang hinihintay ang aking sagot. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko. Hindi ko mahagilap kung ano ang sasabihin ko dahil bukod sa tanong niyang yun ay sa akin na din nakatuon ang atensyon ng lahat. Bakit bigla na lang lumakas ang kabog sa dibdib ko? Ano ba dapat ang isagot ko? Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ko ang paghaplos ng mainit na palad ni Klein sa aking hita. Kanina pa ako naiinis sa lalaking 'to dahil simula kanina matapos naming kumain ng pananghalian ay maya't-maya na lang ang paghaplos sa akin. Ang mas lalong kinainis ko lang ay ang malalagki

