Timmy's Point of View. Kasalukuyan kaming magkaharap habang ang kaliwa niyang braso ay nakapulupot sa aking bewang. Halos magkalapit na din ang mukha namin sa isa't-isa kaya naman dama ko na ang bawat paghinga niya. Ilang minuto ko rin munang pinagmasdan ang kanyang mukha at sinamantala ang ganito naming pagkakaayos. Gusto ko pa lalong mas ilapit ang mukha ko sa kanya ngunit nababahala ako na baka ilayo niya lamang ang sarili niya. Kaya naman mas pinili ko na lamang titigan ang kanyang nakapikit na mga mata pababa sa matangos niyang ilong pababa sa kanyang mapupulang labi. Hindi rin nakawala sa akin ang paggalaw ng adams apple niya nang siya ay lumunok. Hindi kaya naiilang din siya sa ganito naming posisyon? Panigurado akong maging siya ay hindi pa din tulog dahil sa marahan niyang paghap

