TRD - 08

2169 Words
Timmy's Point of View. "T-teka! Saan mo ba ako dadalhin?" pwersahan kong hinila ang kamay ko upang makawala sa pagkakahawak niya. Napahimas ako dito dahil sa pamumula nito. Iba din siya kung makahila sa akin parang wala nang bukas eh.  Ang sakit kaya mga bes. Sinasaktan niya ang isang dyosa na tulad ko. Isa siyang lapastangan sa ating lipunan. Dapat sa kanya ay pinapatapon sa Mars. Wala siyang karapatan para mamuhay kasama ang ibang mga tao. Char lang... Agad niya akong hinarap at mariin na tinitigan sa mga mata ko. Iba yung paraan ng pagtitig niya sa akin. May gusto siyang iparating sa akin na hindi ko malaman-laman kung ano. Sa ganda ko ba naman na 'to, sinong hindi mahuhumaling sa'kin? Maliban na lang kay fafa Klein na gusto akong ipakulong kanina dahil sa pagpuslit ko. Buti na lang talaga to the rescue 'tong si fafa Patrick at hindi ko alam kung bakit ganun siya sa akin kabait.  "Bakit mo pa ako pinagtanggol? Sino ba ako para ipaglaban mo sa mga kabanda mo?" naputol siya sa pagtitig sa'kin nang marealize niya kung gaano ako kaganda sa paningin niya. Charot lang ulit. Kayo naman mga beks di na mabiro. Ang seryoso naman kasi sa buhay. Ako nga 'tong lahat na atang kamalasan sa buhay ay nasa akin na, kaya ko pang ngumiti ng bongga na kinahuhumalingan ng maraming boylets. Dapat goodvibes lang dapat. So much for that nonsense thing... "So you prefer na makulong ka kaysa ipagtanggol kita? You should thank me for what I've done for you. Ako na nga 'tong nagmamagandang loob but you keep on asking why did I saved you?" "Nagtatanong ako dahil may karapatan ako. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Tsaka mas pipiliin ko pang makulong kaysa magpalaboy-laboy sa kalsada at mamalimos sa mga tao. Hirap na hirap na ako sa ganitong buhay. Lagi na lang mga kamalasan ang mga nangyayari sa buhay ko. Wala nang nangyaring maganda sa'kin." hindi ko na napigilang hindi mapaiyak nang mabanggit ko ang mga pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi maging emosyon sa bawat problema sa buhay ko. Ang bigat lang sa pakiramdam na sabay-sabay ko yung dinaranas ngayon.  Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako umiyak ng ganito sa harap ng tao. Hindi lang siya basta isang simpleng tao, miyembro pa siya ng isang sikat na banda.  Napatigil ako sa paghikbi nang maramdaman ko ang dalawang bisig na pumulupot sa katawan ko. Halos hindi din ako nakahinga nang masubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Sa sobrang lapit niya sa'kin ay amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango. "I'm sorry to hear that." tanging sabi niya bago niya marahang hinaplos ang likod ko. Naging dahilan yun upang mapawi ang bigat ng damdamin ko kahit saglit. His manly scent is so relaxing though. Hindi rin nagtagal ang yakap na yun at ako na mismo ang kumalas sa pagyayakapan na yun. Pinunas ko muna ang bakas ng mga luha sa pisngi ko bago siya hinarap ulit.  "Sorry. Hindi ko sinasadya. Nabasa ko pa tuloy yang t-shirt mo." Malapad ang ngiti siyang nakatingin sa akin dahilan para mapabaling ang tingin ko sa iba.  Ngayon ko lang napansin na nandito kami sa isang maliit na park malapit sa arena na pinanggalingan ko kanina.  "It's alright! Ahmm... Are you okay now?" imbes na sagutin siya ay nilampasan ko na lamang siya at hindi siya pinansin sa kahihiyan na nagawa ko. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko na bahagya kong ikinatigil pansamantala.  "Hey! Where are you going?" napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang kanan kong balikat at iniharap siya. "Sa lugar kung saan magiging tahimik ang buhay ko."  "But you said you have no house to stay in. I can help you!" "Ba't ba ang kulit mo ha. Tsaka nakakapagtaka na ah. Isang big fan lang naman ako ng banda niyo at di hamak na walang-wala ako sa kalingkingan ng iba para tulungan at kausapin mo. Sino ba ako sayo ha?"  Pansamantala siyang natahimik maging ako. Nakakabinging katahimikan ang sunod na nangyari sa pagitan naming dalawa. Oo! Sobrang tahimik. Paulit-ulit eh ano. Nang mapansin kong hindi na siya nakapagsalita ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at iniwan siyang nakatayo doon. Nakakalayo-layo na sana ako nang bigla niya na naman kabigin ang braso ko papaharap sa kanya.  "Because you're cute." ansabeh? Anong connect ng pagiging 'cute' ko sa pagtulong niya sa akin. Iba din ang galawan nitong si fafa Patrick ah. Kung hindi lang talaga 'to pogi, nasapak ko na 'to kanina pa. Ang kulit kasi bes. Ang sakit sa tenga ng boses. Char lang. "Diba sabi mo kanina wala kang tinutuluyan? I can help you." Emeged! Totoo ba talaga 'tong nangyayari sa akin? Nag-aalok ng tulong ang isang fafa Patrick sa isang tulad ko? Sampalin niyo nga ako mga beks baka sakaling magising ako sa kahibangan na 'to kung sakali.  Ang hirap naman kasi paniwalaan na nangyayari 'to. "Sige na nga! Ano ba yun?" Oo na! In the end, wala akong karapatan pang magpakachoosy dahil isang sikat ang umaalok sa akin ng tulong. Sino ba naman kasi ako para tanggihan siya 'no. "Like I've said a while ago, I want you as my personal assistant. Don't worry, I will pay you and give things all you want." wow ha! Ano bang nakain nitong lalaking 'to at ganito na lang siya makaalok sa'kin? Grabehan naman this!  Nakakapagtaka kasi ang mga kinikilos niya. Kanina niya lang ako nakita sa dressing room at ganito na siya makaalok sa akin. Hindi niya man lang ba inisip na once na naging PA niya ako, pwede ko siyang nakawan na hindi ko kayang gawin. May possibility na pwede ko siyang pansamantalahan! Kahit charing lang.  Ni pangalan ko nga--- Teka! Alam niya ang pangalan ko! P-pero pa'no nangyari yun? Emeged! Hindi ko sinabi sa kanya yung pangalan ko kanina.  Stalker ko ba siya? Huwag ka ngang assumera dyan! "Teka nga. May tanong ako." bahagya akong humakbang papalapit sa kanya dahilan para mapaatras din siya. Sobrang lapit ko sa kanya pero hindi yung tipong isang maling galaw mo lang mahahalikan mo na siya, hindi ganun! Matangkad siya sa akin kaya kung gusto ko mangyari yun, need kong tumingkayad na very very. Gets? Kitang-kita ko ang paglunok niya ng laway at nagtatakang tingin na ipunupukol niya sa'kin. "W-what?"  "Diba sabi mo din kanina, alam mo ang pangalan ko. Paano mo nalaman yun?"  "Sh!t. Ahmm... Asking you?"  "Asking me? Wala akong natatandaan na tinanong mo yung pangalan ko kanina. Tsaka sino ba ako para tanungin mo ang pangalan."  "Yes! I-I asked you. Baka hindi mo lang matandaan?" napakamot na lang ako sa batok ko at pilit na inaalala yung mga nangyari kanina. Sa sobrang dami at gulo na kasi kanina, hindi ko na matandaan kung ano ba talaga ang mga nangyari. Kasunod no'n ay ang malalim na pagbuntong-hininga ko at diretsong tumingin sa kanya. "Haist... Sino ba naman ako para tumanggi sa alok ng taong isang tulad mo. Pero diba ayaw ng mga kabanda mo sa'kin--- alam mo na, nang dahil doon sa ginawa ko." napapitlag ako nang hawakan niya ang balikat ko. "Don't worry. I'm on your back!" kasunod no'n ay ang isang matamis na ngiti para sa'kin. Kanino pa ba? Ewan ko sa inyo. "So magiging personal assistant mo ako? Parang pinaganda lang na personal alalay?" yung dati siyang nakangiti ay naging pagak na tawa dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi yung sinabi ko. Diba? Kahit gaano pang paganda mo diyan, isa lang naman ang gagawin niyan. Magiging ultimate alalay niya ako. Ibig sabihin, kung saan siya pupunta, nandoon din ako. "Oh my G!" napatakip ako ng bibig sa bagay na pumasok sa isip ko. No! This can't be happening. Ayoko ng ganun. Paano naman kasi. So, kapag pupunta siya sa cr kailangan nandoon din ako sa tabi niya. Emeged! Ayoko ng ganun. My virgin eyes! Ayokong magkasala ang beautiful gorgeous pretty eyes ko.  Masyado na talagang polluted yang utak mo, Timmy. "What?" "W-wala!" paulit-ulit akong umiling at pilit na iwinawaksi sa isip ko ang bagay na yun. Nakakaloka pala maging PA ah. Kailangan ba talaga na kung nasa'n siya, nandoon din dapat ako. Parang hindi naman ata. "So, are we cleare now? Pumapayag ka nang maging personal assistant ko?"  Ano pa bang magagawa ko? Tsaka ayoko nang magpakachoosy pa 'no. Mamaya nasa iisanf bubong lang ang Nirvana Redux nakatira, edi mas lalong mapapadali ang pangarap ko na maging asawa ko si fafa Klein! Emeged! Si fafa Patrick ang magiging tulay ko para matupad ang lahat ng yun. Tama! Kailangan kong pumayag dahil once na malapit na siya sa akin, hindi na ako mahihirapang pumuslit pa. Abot-kamay ko na siya mga bes! Iba talaga ang beauty mo beks. *** Kasalukuyan kong kasama si fafa Patrick sa loob ng kotse niya. Naglakad pa kami ng ilang metro para lang makapunta sa parking lot kung nasaan yung kotse niya. Infairness ah, mukhang mamahalin 'tong kotse niya. Oo! Basta mahal siya. Kasi sa unang tingin mo pa lang mapapansin mo nang mahal talaga siya, without any doubt. Gusto niyo yun? Gusto ko yun! Ang hindi ko lang talaga alam, bakit hanggang ngayon hindi niya pa din pinapaandar 'tong kotse niya.  "Ahmm..." sabay naming sabi sa isa't-isa. Napatingin kaming dalawa at walang dahilan na napatawa. Ewan ko ba diyan kay fafa Patrick. Kung pagtawanan ako, parang akala mong close na close kami eh kanina lang naman kami nagkita.  "Sige. Mauna ka na." "Ikaw na lang. Hindi naman gaano kaimportante 'tong sasabihin ko. Itatanong ko lang naman sana kung bakit hindi pa tayo umaalis."  Ang tanga ko lang sa linya na yun. Siya pinapauna kong magsalita pero hindi ko sinasadyang sabihin yung pakay ko. Isang kang malaking shunga-shunga Timmy.  "Parang nasabi ko na din."  "Yeah! Wala ka bang gustong puntahan? Are you hungry? Baka gusto mo munang kumain tayo bago kita iuwi." ano daw? Iuuwi niya ako? Saan? Naku fafa Patrick ah. Masyado naman atang mabilis yang mga da moobs mo. Hindi ko matake sa sobrang pagkabigla ng mga linyahan mo. Nashook ako! "H-huwag na. Hindi pa naman kasi ako gutom eh. Mas maganda siguro kung iuwi mo na ako." iba ka din Timmy ah! Lakas ng tama mo sa utak kong makapagdemure ka. Malay mo, gusto ka niyang yayain magdate. Hindi niya lang talaga masabi ng diretso sa'yo kasi nahihiya siya. Naku! Isa ba namang dyosa ang yayain niya. Ang kerengkeng mo talaga! "Okay!" pinaandar niya na ang kotse niya at binagtas na namin ang daan papunta sa tinutuluyan niya. Emeged! Iuuwi niya na ako din ako sa wakas. *** Dahan-dahan kong imunulat ang mata ko nang may maramdaman akong yumuyugyog sa balikat ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.  Bumungad sa pagmumukha ko si fafa Patrick na ngayo'y sobrang lapit sa akin. Bigla ko siyang naitulak papalayo sa akin. Ikaw ba naman beks, makakakta ng isang anghel na sobrang lapit na sa pagmumukha mo. Ewan ko lang kung hindi ka mabigla. Kulang na lang na mahalikan ko siya eh. "I'm sorry. Nagulat ba kita?" Ayts! May pagkatanga din pala 'tong si fafa Patrick ah. Tutulakin ko ba siya ng ganun kung hindi ako nagulat sa pagmumukha niya. Pero siguro kung malandi akong tunay, magchuchukchukan na lang kami dito sa loob ng kotse niya. Total wala namang makakakita sa amin dito sa loob. Ang kaso, hindi ako ganun mga beks. May konti pa naman akong kahihiyan sa sarili ko. Kahit ganito ako, hanggang isip lang talaga ang paghahalay ko sa mga boylets. "By the way, nandito na pala tayo. So, let's go?" tanging tango lang ang nasagot ko at sumunod na sa kanya sa pagbaba sa kotse. Medyo nasilaw ako sa liwanag ng lugar. Kahit saan ka kasi tumingin ay may makikita kang mga pa-ilaw ni mayora. Nagpabaling-baling pa ako sa paligid at sobrang naagaw ang pansin ko nung angel statue na may lumalabas na tubig sa hawak niyang vase. Yung tipong fountain bes tapos may pahabol pa na pailaw si mayora.  Sa kabilang banda naman nitong lugar ay ang tatlong kotse na nakaparada. Wala na akong time mag-explain kung anong mga brand no'n dahil mahina ako sa mga ganyag bagay. May kotse ba ako? Diba wala. Kaya ekis tayo dyan mga beks. Napalingon ako sa pinto ng bahay--- Mali! Pinto pala nitong mansyon. Nang biglang may lumabas doong tao. Hindi ko masyado naaninag ito dahil sa nakakasilaw na ilaw mula sa loob. Pero base sa bulto nito--- isa siyang boylet.  "Bro! I thought hindi ka na naman uuwi dito." Napabaling ang lalaki sa akin matapos makipag-brofist nito kay fafa Patrick. Nawala bigla ang ngiting nasa labi niya nang mapatingin siya sa akin. Emeged! Totoo ba 'tong nakikita ko? Itong lalaki na kaharap ko ngayon ay isa sa miyembro ng banda nila. Tanging sando at sweatpants lang ang suot nito at kung hindi ako nagkakamali, dito rin siya nakatira kasama si fafa Patrick. "Bro! Is that Patrick?!" at ang isa pa.  Naloloka na ang panty ng lola niyo. ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD