TRD - 07

1966 Words
Timmy's Point of View. Napatitig ako sa mata niyang nakapikit. Parang bumagal ang lahat sa paligid ko. Wala akong naririnig ni ano. At sa isang iglap kasabay ng pagpikit ko ng mariin ay ang pagkatumba ng microphone stand at pag-ugong nito ay yun din ang pagmulat ng mata niya. Mariin kong pinikit ang pareho kong mata pero kung minamalas ka nga naman, bigla na lang ako nawalan ng balanse sa kamay at tuluyan nang nasubsob sa kanya. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Halos--- hindi pala! Subsob na subsob na ako sa may leeg niya. Ayoko pa ring imulat ang mata ko. Hindi ko kakayanin ang posibleng kahihiyan kapaga nakamulat na ako.  Hindi pa ba kahihiyan yang ginagawa mong pagsubsob dyan sa leeg ng asawa mo? Nakikisabay naman 'tong konsensya ko eh. Tigil-tigilan mo ako dahil ipapatanggal talaga kita sa casting. Pero in some point, may tama siya. Sobrang kahihiyan na ang ginawa kong pagdagan sa kanya at mas lalong kahihiyan pa ang pag-amoy ko sa kanya. Isa kang napakalaking tanga Timmy! Wala ka nang ginawang tama sa buhay mo. "F*ck! Your too h-heavy!" nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Pilit siyang kumakawala mula sa pagkakadagan ko sa kanya pero hindi ito agad nagproseso sa utak ko. Hindi ako agad nakagalaw. Naramdaman kong kay humawak sa akin dahilan para maalis ako sa pagkakadagan kay fafa Klein.  Nabaling ang tingin ko sa mga taong nanunuod sa concert nila maging sa eksenang ginawa ko. Kitang-kita ko ang pagbubulungan ng mga ilan at pagkaburingot ng mga mukha nila.  Sobrang kahihiyan 'to Timmy. Dalawang tao ngayon ang nakahawak sa akin. Parehong magkabilaan. Sila yung mga humahabol sa akin na guwardiya. Nakita ko ang pag-aayos ni fafa Klein sa nagusot niyang damit at natanggal na earpiece sa tenga niya. Nakakunot ang noo nito. Napa-iwas ako ng tingin dito nang mapabaling ang tingin niya sa akin at masama akong tiningnan.  Ihhh... Nagalit ko ata ang asawa ko? "Get him out of here." punong-puno ng galit na sabi niya. Hindi pa man ako nakakapanghanda sa maaaring mangyari sa akin ay naramdaman ko na ang paghila sa akin ng dalawang guard papaalis ng stage. "Teka lang po! Wala naman akong ginagawa masama ah! W-wait! Aray! Ano ba?! Wait nga lang diba?!" pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa akin nila ngunit kahit anong kawala ko ay hindi ko kaya. Masyado kasi akong sexy para mapantayan ang mga maskulado nilang katawan. *** Kasalukuyan akong nakaupo sa apat na sulok na puting kwarto na tanging apat na sofa lang ang laman--- at obviously, ako. Di ko nga alam sa mga guard na kumaladkad sa akin kanina kung bakit dito nila ako dinala imbes na sa labas nitong lugar. Pero mas mabuti na din siguro yun kaysa sa labas, diba?  Wala akong madinig na ingay kundi ang nakabibinging katahimikan dito sa loob. Di ko man lang marinig yung boses ng asawa ko habang kumakanta at ang mga hiyawan ng maraming tao. How sad naman this! Mag-iisang oras na din kasi akong nandito at ni isang tao ay walang pumasok o nagtangkang bumukas ng pintong yan, maliban ako. Syempre di ko nabuksan! Nandito ba ako ngayon kung bukas yan. Sinong tanga ang mananatili sa sobrang tahimik na kwartong 'to? Mamamatay na lang ako dito sa sobrang katahimikan.  Sunod-sunod akong napabuntong-hininga tsaka umayos ng upo. Iginala ko ang atensyon ko sa buong kwarto. Wala na talaga akong mapansin maliban sa mga nabanggit kong bagay na nandito. Masyadong plain talaga siya! Walang effort man lang na nilagay kung sino man ang gumawa ng kwartong 'to.  Sa kadahilanan na wala na akong maisip na pwedeng mamonologue ay nanahimik na lamang ako at naghum ng kung ano-ano para mawala ang pagkabagot ko. "Ba't ba walang pumapasok na tao? Balak ba nilang dito na ako forever hanggang madedo na ako? Kaloka ha." bigla-bigla ko na lang nabulalas nang makalipas na naman ang isang oras na pananatili dito.  Halos mabaliw na ako sa kakahintay at kakaasa na may bigla na lang susulpot sa harap ko para kaladkarin ako palabas pero wala. As in nothing! Naloloka na ako dito sa loob. Kung kanina mas mabuti nang dito nila ako dinala, pwes ngayom hindi na! Mas gusto ko ngayon na sana kinaladkad na lang nila ako papalabas nitong arena.  Gigil nila cii aquoh! Napalundag ako mula sa pagkakaupo nang malakas na bumukas ang pinto. I didn't expect that's coming. Saglit akong napatulala nang sunod-sunod na pumasok ang mga miyembro ng Nirvana Redux. Lalong-lalo na nang mapabaling ang mga mata ni fafa Klein sa akin. Nakasuot siya ng earphone na nagbigay lalo sa kanya ng hotness. Sinubukan ko siyang nginitian pero isang irap lang ang natanggap ko mula sa kanya. Mas mabuti na rin yun kaysa hindi niya ako pansinin. Kinilig ako ng slight.  Isa-isa silang naupo sa tatlong bakanteng sofa at naiwang nakatayo ang isa sa miyembro nila. Medyo matangkad ito at maganda ang tindig at higit sa lahat may pa-abs si kuya mo. Bakat na bakat yung mga pandesal niya sa fitted v-neck shirt niya. Teka nga! Kung ano-ano na namang pumapasok sa cute kong brain. Naimpluwensyahan na ng polluted air ng Maynila. Kaawa-awang diwata. Sa pagkakaalala ko, hindi ko maalala ang pangalan niya. Diba? Sobrang fan talaga ako ng banda nila, ni mga pangalan nila hindi ko matandaan. Kay fafa Klein lang kasi talaga ako nakafocus tuwing nagpeperform sila. Wala na akong time para kilalanin yung iba pa niyang kabanda. Si Patrick lang kilala ko maliban sa asawa ko. Yung dalawang kabanda nila, hindi ko pa kilala. "Hey!" nabalik ako sa katinuan nang magsalita ang isa sa kabanda ng asawa ko. Nagtataka itong nakatingin sa akin na animong titig na titig ako sa kanya. Hindi pala! Titig na titig pala talaga ako sa kanya. "Tsk." narinig ko ang pag-irap ni fafa Klein sabay halukipkip sa kaharap na sofa kung saan nakaupo yung Patrick. "Why did you do that crazy stuff?" seryosong tanong sa akin ng lalaking nakatayo. Yung may pa-abs bes. Ang pogi niya lang sa expression niya. Pamatay yung mga tantalizing eyes niya. Gusto niyo yun? May patantalizing pa akong nalalaman. Bigla itong naupo sa gilid ng sofa at nagcrossed arm. Waring titig na titig din ito sa akin at hinihintay akong sumagot.  Ihhh... Ano ba ang dapat kong isagot? Na kaya ako pumuslit papasok dahil gusto kong mapanuod ang asawa ko na magperform ng live. Duh? Dream of my life ko kaya siya. Kaya lahat gagawin ko para lang makita si fafa Klein ng personal--- as in person.  "Ahhmm... Syempre para mapanuod kayong magperform." half truth-half lies na sabi ko. Sasabihin ko sana na gusto kong mapanuod ang asawa ko ang kaso baka bigla niya lang akong bigwasan--- bigwasan dahil sinabi kong 'asawa' ko siya. Sinabi niya kasi sa akin dati na huwag kong ipagsasabi na asawa ko siya sa kahit na kanino. Dapat daw kami lang ang nakakaalam sa relasyon na meron kami. To be honest with you guys, tuwing linggo talaga pumupunta siya sa apartment na tinutuluyan ko. Yun lang yung tanging panahon para magkaroon kami ng loving-loving at kapag may time, ginagawa namin is love making. Ang sweet niya lang sa akin sa tuwing magkasama kami. Ikaw na ang dakilang assumera! As if naman na mangyayari yun lahat diba? In my dreams! Siguro malabo nang mangyari ang mga pinapangarap ko. Isang pagkakamali at kasinungalingan na sabihin kong asawa ko ang vocalist ng Nirvana Redux. Masakit man aminin na hanggang pagdi-day dreaming na lang ako. "Oo nga naman bro! He has no any reason to sneak in here but to see us to perform. Iba talaga kapag sikat na sikat ka na!" bahagya akong napatawa nang bigla siyang batukan ng Patrick dahilan para mapasimangot ito.  "I'm just telling the truth, bro."  "Stop doing that face, Duane. You look like a d!ck." bahagyang napatawa yung Patrick nang sabihin niya yun at ang isa ay biglang naging agresibo ang mukha at bibigwasan na sana siya nang magsalita si fafa Klein na ikinagulat ng huli at ikinitigil ko sa pagmomonologue. Hinto na daw bes... "Bakit hindi na lang natin siya ipakulong? Total doon na rin naman tayo papunta. What he did is trespassing." nanlaki naman bigla ang mga singkit kong mata nang walang kaemo-emosyon niyang sinabi ang mga katagang yun. Ansabe ng asawa ko? Ipapakulong niya ako.  Matagal bago nagproseso sa utak ko ang nangyari. Hindi pa sana ako makakahinga kung hindi pa nagsalita si Patrick. Oo, 'si' na hindi na 'yung'. Inchendes?! Imbyerna niyo ako ah. "T-teka! Ba't niyo ako ipapakulong?" hindi ko na napigilang hindi mapatayo sa sobrang shockness na nananalaytay sa buong katawan ko. Akentbilibdis! Ipapakulong ako agad bes! Kapag pumuslit ba ako sa kwarto ni crush habang tulog siya upang gapangin at fortunately topless ang fafa mo, ikukulong na niya ako agad! Masyado atang exaggerated ang bagay na yun mga kaibigan! Hindi katanggap-tanggap sa lipunan. "Klein! Diba napag-usapan na natin 'to? We can't bring him to jail!" emeged! Kinikilig ang dakila kong matres sa sinabi ni Patrick. Fafa ko na rin siya from now on. He's saving me from serious death!  Now! I owe him twice. "Ikaw lang naman ang ayaw na ipakulong siya. Did you even realized kung paano niya tayo pinahiya sa gitna ng maraming tao? And worse, dinaganan niya pa ako. He's f*****g gay, bro." Biglang pumantig ang tenga ko nang sabihan niya akong 'bakla'. Kailangan talaga ipamukha sa akin na bakla ako. Umoover ka na ah. Magdedesisyon na talaga ako na makipaghiwalay sayo. Hindi ko kinakaya ang pagiging rude mo sa asawa mo. Nakakasakit ka na ng dadamdamin ng isang dyosa. Imbes na makisali sa bangayan ng dalawa ay mas pinili ko na lang na bumalik sa pagkakaupo at tahimik na nakinig sa sigawan nila. Mas mabuting manahimik na lang dito at tanggapin kung ano ang gagawin nila sa akin.  Mas okay na rin siguro na makulong ako para kahit papaano may matulugan ako ngayong gabi. Libre pa pagkain sa presinto! Hindi na ako masyadong maghihirap doon.  "So what's the point of being gay here? Gusto mo lang siya ipakulong dahil sa pagiging gay niya at dahil niloko ka lang ng isang bakla noon, gusto mo nang ibuntong ang galit mo sa kanya!"  Hanudaw sabi ni fafa Patrick! Nainlababo ang asawa ko sa tulad ko noon at niloko lang siya nito. Kapal ng mukha niya para lokohin ang isang Klein ah. Iharap niyo siya sa akin at nang masupalpal ang pagmumukha. "That is not my point here! He did trespassed at labag yun sa batas. And that's--- f*ck!" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang napahawak sa ulo niya at mariin na ipinikit ang mga mata. Nagtataka akong napatingin sa kanya habang nilalapitan siya ng dalawa pa niyang kabanda. Inalalayan nila itong makaupo. "Bro! Tama si Klein. To be honest, he should be in jail now. Walang patutunguhan 'tong pagsisigawan niyo at baka makalala lang 'to sa kondisyon ni Klein." anong kondisyon? Ano yun? Nacucurious ang matres ko! Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila.  Nakakaloka na ah. "No! He can't be in jail!" mula sa fierce na pagmumukha niya ay bigla na lang itong naging mahinahon at napahilamos sa mukha niya kasunod ang malalim na buntong-hininga. "I want him to be my personal assistant." napabaling ang leeg kong papabaling na sana sa asawa ko nag magsalita siya na ikinahulog ng panty ko.  Susmaryosep! Tama ba ang dinig ko? Gusto niya ako--- maging personal assistant niya? Pero parang padalos-dalos naman ata? So fast, fafa Patrick ah. "What?!" sabay ng dalawa sa pagsigaw.  "Are you insane bro? Masama siyang tao. Gusto mo na siya maging PA pero ni pangalan niya hindi mo pa alam." "I know. He's Tim." Nagulat ako nang hilahin niya ako papalabas sa maliit na kwartong yun at dinala sa lugar kung saan kami lang ang lalang. ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD