Timmy's Point of View.
"How did you get in here?"
***
Emeged! Ano nang gagawin ko. Kahit anong ulit kong kapkap sa buong katawan ko, wala talaga yung concert ticket. Saan na ba yun pumunta?
"Ano ba? Nakakaabala ka na?!" napahinto ako nang sumigaw sa harap ko yung guard. Masama itong nakatitig sa akin na parang handa na akong lapain ng buhay. Wala sa sariling napalingon ako sa bandang likuran ko, mababakas sa mga mukha ng ibang mga nakapila ang pagkairita at panay na ang tingin sa mga relo nila.
Ano bang magagawa ko? Eh sa hinahanap ko pa yung ticket para sa concert ng asawa ko. Mga bes, pinag-ipunan ko yun. Dugo at pawis ang iginugol ko sa perang yun tapos ano--- nganga? Useless yung mga paghihirap ko para lang malikom yung libo-libo na perang yun. Mahabaging langit mga bakla! Maawa kayo sa akin. Nasesante at napalayas na ako lahat-lahat tapos at ang concert na lang ng asawa ko ang magpapasaya sa akin, magiging ganito pa ang resulta. Iyak bes! Bigti na us.
"Kung wala kang ticket para makapasok, umalis-alis ka na sa pila. Malapit nang magsimula ang event."
"Saglit lang po talaga kuyang guard. May ticket po talaga akong binili. Pumila pa nga ako ng pagkahaba-haba tsaka tiniis ko ang gutom at uhaw para lang makamit ang pinakapapangarap ko na makita ang asawa ko. Promise po talaga. Hindi ako nagbibiro, may pruweba po ako.
Nag-ipon po ako---"
"Matagal pa ba yan? Kanina pa kami nakapila dito oh!" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang biglang sumingit ang babaeng nasa likuran ko.
Gulo ata ang hanap ng babaeng 'to eh. Iba din si ate mong girl. Nakapameywang ko itong hinarap kasama ang isang mataray na irap na sa kanya kolang ibibigay. First time in my life ko lang gagawin ang bagay na 'to. Hmp! Asawa ko na ang usapan dito kaya kailangan natin maging palaban sa lahat ng oras. Walang weak-weak pagdating kay fafa Klein. Hindi mo ba nakikilala ang taong nasa harap mo babae ka? Ako lang naman ang soon to be wife ng iniidolo mo! Tsaka one more thing, hindi mo kinaganda yang maskarra mo. Nagmistulang d**o yang pilik-mata mo sa haba. Excuse me! Wala ka pa sa kalingkingan ng beauty ko. You're nothing compared to me.
Mga bes! Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat ng yan. Gusto kong ipamukha sa kanya na mali ang binangga niya, na ako nga ang magiging asawa ni fafa Klein sa future. Gusto mo yun? Gustong-gusto ko yun! Pero--- Oo! Isang apat na capital letters: P. E. R. O. na ang basa ay 'pero'. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla akong hilahin ng dalawang mala-adonis na lalaki papalayo sa entrance ng lugar. Syempre warla-warla cheena tayo mga bakla! Hindi makakapayag ang beauty ng ganun-ganun na lang.
"Emeged! Bitawan niyo ako! I have explanations. Kaya ko magpaliwanag. Bitawan niyo ako sabi eh." pilit akong kumawala sa mga kamay ng nakahawak sa akin pero kahit anong kawala ko ay hindi ko kaya ang mga lakas nila. Nakakaloka na 'to ah. Hindi ko na alam ang gagawin sa life ko. Masyado nilang kinakawawa ang katawan ng isang dyosa.
Pabalang nila akong binitawan na muntik ko nang ikatumba. Paano naman kasi mga bes, sabi ko kanina bitawan ako pero di ako binibitawan ngayong di ready ang poise ko tsaka nila akong binitawan. Yung totoo? Kailangan di ka muna handa?
"Ang sakit niyo humawak mga kuya ah." inirapan lang ako ng dalawang kuyang guard at tinalikuran ako. Hindi man lang nagsalita kahit isang salita. Ayaw niyo ba ng exposure mga kuya? Sayang naman yung moment niyo. So much for that, marahan kong hinimas ang braso ko at bahagya itong sinipat kung nagkapasa ba ang makanis kong balat. Isusumpa ko talaga sila kapag nasira ang balat ko dahil sa higpit ng hawak nila.
Para akong baliw na patalon-talon sa sobrang inis dahik sa nangyari. Pesteng buhay yan! Bakit ba ako pinanganak na malas? Sinalo ko ba lahat ng kamalasan nang magpaulan si papa God ng biyaya, biyayang hindi katanggap-tanggap para sa tulad kong tao. Nang mapagod ako sa pagtalon ay mistula na akong nalantang gulay at basta na lang napaluhod sa semento. Pinagtitinginan na ako ng mga taong napapadaan maging yung ibang nakapila.
Anong gagawin ko? No ticket means no concert na ba ito? Ano na lang ang gagawin ko ngayon. Hindi ko na makikita ng personal ang asawa ko. Tatanggapin ko na lang na hanggang sa tv ko lang talaga sila makikita. Life is so unfair! Hindi ako makapapayag na hanggang dito na lang ako. Tulad na lang ng sabi ko kanina, pagdating sa asawa ko, fierce ang labanan so ibig sabihin kailangan kong makipagbaka para lang makita ang asawa ko. Mga peste sila sa mundong 'to. Hadlang sila para magkasama kami ng tuluyan ng asawa ko. They are ruthless. Kailangan kong gumawa ng paraan para makapasok. Kung ayaw nila akong papasukin, ako mismo ang magpapapasok sa sarili ko. Hindi pwedeng hanggang dito na lang tayo.
Tumayo ako ng tuwid at pinagpag ang pantalon ko. Inayos ang buhok maging ang t-shirt kong may imprintang 'Winnie the Pooh' sa unahan. Dadamayan ako ni Winnie sa laban kong ito. Kailangan nating sagupain ang isang malaking bagyo. Para sa asawa ko, gagawin ko ang lahat. Taas-noo akong naglakad papalapit sa entrance nitong arena. Kung saan maraming tao ang nakapila. Kitang-kita mo ang mga ngiti sa kanilang labi sa sobrang excitement. Ganyan din sana ang nararamdaman ko ngayon kung hindi lang nawala yung pesteng papel na yun.
Napatingin sa akin si kuyang guard nang bigla-bigla na lang ako lumuhod sa may gilid at hinawakan ang hem ng uniporme niya. Ibababa ko ang pride ko para sa asawa ko. Gagawin ko ang lahat para lang makapasok sa apat na sulok ng arena na yan.
"Maawa na po kayo sa akin kuyang guard. Papasukin niyo na lang po ako. Please... Pretty please.." ilang ulit kong hinala ang uniporme niya na ikinabanas niya sa akin. Tinawag niya muli yung dalawang kasamahan niya at for the second time around, kinaladkad na naman ako ng mga ito papalayo sa entrance.
Ba't ba ang kukulit nila? Ayaw nilang maniwala sa akin na may binili talaga akong concert ticket.
"Huwag ka nang mangungulit pa kung ayaw mong ideretso ka na namin sa presinto." duro-duro ako ng isa bago nila ako tuluyang tinalikuran. Nagmistula na lang akong basang-sisiw dito sa pinagdalhan sa akin kakaiyak. Iyak na kung iyak dahil wala na talagang tyansa na makita ko ang asawa ko. Mga sal*t sila sa lipunan. Hindi sila marunong umintindi, maawa, maging tumulong sa mga nangangailangan. Dapat na pinapansin nila ay ang mga tulad kong naaapi. Mga wala silang konsiderasyon dito sa mundo.
"Mamatay na kayong lahat! Walang magvavalentine's day!" paulit-ulit kong sigaw sa paligid. Napatigil ako sa ginawa nang may biglang nakisawsaw sa akin.
"Malayo pa ang Valentines! Huwag kang baliw!" peste kang lalaki ka. Hindi ka kasali sa kwento ko kaya huwag kang epal diyan. Hindi kita pinahintulutan na magkaroon ng exposure kahit boses mo lang ang narinig at hindi ka man lang nahagip ng camera. Nagdadrama yung tao dito, masyado 'tong extra.
Naku! Wala nang atrasan 'to mga bakla. Kung desidido ka talaga sa isang bagay, kailangan mo lang ipush. Push lang ng push! Kung hindi ko madadaan sa pagmamakaawa, idadaan ko sa paspasan mga bes. Para sa asawa ko! Fighting!
Pasimple akong sumipol habang parehong nasa bewang ang kamay ko. Utakan lang yan mga bes! Ngayon ko lang gagawin 'to sa buong buhay ko. At the same time, ngayon ko lang gagamitin ang utak ko. Diba laban lang? Sinimulan ko na ang unang hakbang ng plano kahit wala akong plano. Ang goal ko ngayon ay makapasok at mapanuod ang concert ng kaisa-isa kong asawa.
Syempre di ako dadaan sa pinaka-entrance, tanga lang tayo 'te? Edi nasipa na ako ng mga naglalakihang guwardiya doon. Use your brain naman kahit minsan. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh. So much for that, pasimple na lang akong tumungo sa pinakalikod na part nitong arena. Paiguradong may daan doon. Diba, ang talino ko? O tanga pa din kasi sa pagkakaalam ko, wala talagang daan sa likod nito. Not sure though. Pakaisabi na lang kay author kung meron.
Mahaba-habang lakad ang nahakbang ko bago makarating sa gilid nitong arena. Nashookt lang ako mga bes kasi mero'n ding nakabantay na guwardiya. Pero di tulad doon sa pinaka-entrance, maraming nakabantay na guwardiya tapos ang lalaki pa ng mga katawan, di tulad dito, isa lang bes. At mukhang jutay--- este payat pa. Ekis! Kapag payat yan, daks yan. Pero di naman lahat.
Panandalian akong nagtago sa likod ng isang sasakyan nang may isang guwardiyang kumausap dito. Pasilip-silip lang ako sa kanila habang naghihintay. Oh diba? Mukha lang akong agent na nagmamasid ng pupuntiryahin na suspek.
Saktong pag-alis ng lalaki ay tsaka na ako lumabas sa kinatataguan ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at sinecure muna ang lugar. Gusto ko yung 'secure' na yan!
Tuluyan na nga akong nakalapit at nagtatakang mukha ang gumuhit sa mukha ng guwardiya. Infairness, pogi siya kahit payat pero laging pakatatandaan, payat pero daks.
"Anong kailangan mo?" tanong nito sa akin nang mabungaran ako nito. Iba din si kuyang guard, medyo bata-bata pa. Malakas pa ang effectus sa mga tulad ko. Pero hindi tayo magpapadala sa what so called na karisma niya. Para lang kay fafa Klein 'tong katawan ko 'no.
"Ahmm... G-gusto ko lang kausapin yung asawa ko sa loob." ansabeh? Asawa daw? Tinatanong pa ba yan mga bes. Syempre hindi na kayo magtatanong kasi alam niyo naman kung sino ang asawa ko.
"Asawa? Sinong asawa mo?" paktay tayo nito dodong! Naloko na ang maganda nating dyosa. Pero may pagkachismosa pala 'tong guard na 'to ha. Kailangan tanungin talaga kung sino yung asawa ko. Iba ka din kuya ah!
"Ahmm... Si ano... Si fafa Klein?" napataas ng kilay si kuyang guard nang marinig niya ang sinabi ko. Pagkatapos ay iniling-iling nito ang ulo niya at pinatunog ang dila na animong kinapogi niya lalo. Nameywang ito at tumingin sa mata ko. Anong balak nito?
"Ako ba pinagloloko mo? Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag kang mandamay ng iba sa mga kalokohan mo sa buhay. Umuwi ka na!"
"Sige na naman po. Papasukin niyo na ako."
"Makakapasok ka lang kung may ticket ka. Ang tanong, may ticket ka ba?" napayuko na lang ako sa tinuran niya.
"Meron po sana kaso nawala ko po. Hindi ko po alam kung saan ko nahulog. Basta na lang talaga siya nawala." syempre kailangan ng konting emote-emote. Malay natin bigla na lang maawa sa atin si kuya at papasukin tayo. Edi pang-Grammy's Award ang acting natin.
"Mas mabuting umuwi ka na lang at matulog."
Haist! Akala ko pa naman effective na yung acting ko. Mauuwi din pala sa wala. Wala na akong nagawa kundi ang talikuran siya at maglakad papalayo kay kuyang guard. Nakayukong naglalakad. Pero napatigil ako saglit at napaangat ng tingin. I've got a great idea. This is pansit! Dahan-dahan akong pumaharap ulit kay kuya at isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Malalaman niyo na bes ang plano ko in 3... 2... 1! Agad akong tumakbo ng matulin patungo kay kuyang guard. Gulat ang naipinta sa mukha niya at mabilis na idinipa ang pareho niyang kamay ngunit huli na siya dahil sa sobrang bilis ng takbo ko at sa lakas ng impact ay ibinangga ko siya dahilan para mapahiga siya sa sahig.
Bahagya ko itong nilingon. Nakahandusay ito sa may pinto at dahan-dahang pumapatayo. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kailangan makapasok na ako mga bes. Sabi ko naman sa inyo gagawin ko ang lahat para makita ko ang asawa ko.
Napahawak ako tuhod ko at saglit tumigil sa pagtakbo. Siguro di na ako mapapansin dito mga bes? Isa pa, hindi ko na din alam kung saan na naman ako napadpad.
Napapitlag ako at lumingon sa boses na umalingawngaw sa buong pasilyo. Gulat akong napatingin sa mga nagkukumpulang mga guwardiya habang tinuturo ako. Kahit pagod ay tumakbo ako ng matulin. Nakasunod sila sa akin. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga peste kong paa.
Liliko na sana ako sa kaliwang hallway nang may bumungad sa aking panibagong grupo ng mga guwardiya.
"Emeged! Ba't ang dami nila?" lumiko ako sa kabilang pasilyo. Nakasunod pa din sila sa akin. Ano nang gagawin ko ngayon nito? Kapag nahuli ako, siguradong dedo na ang ating dyosa.
Sa di kalayuan ay may nakita akong puting pinto at wala na akong choice kundi ang pumasok doon. Hingal ko itong isinara at napahawak ng mahigpit sa doorknob nito. Mariin akong napapikit at napaupo habang nakasandal pa din sa pintuan.
"Hay... Buti na lang talaga naligaw ko sila."
"F*ck! Who are you?!" mabilis akong napamulat ng mata at napatayo nang may umalingawngaw na boses sa buong kwarto. Isang lalaking nagtatakang nakatingin sa akin. Half-naked. Tanging pantalon na puti lang ang suot niya at kitang-kita ko ang malabato niyang abs na nakabuyangyang sa harap ko.
Teka... Kilala ko siya. Isa siya sa mga miyembro ng Nirvana Redux. Isa siyang pianist sa banda nila. Ang kaso hindi ko matandaan ang pangalan niya. Emeged! Hindi ko inexpect na makikita ko siya agad dito.
"Hey! How did you get in here?" sasagot na sana ako nang marinig kong biglang pumihit ang doorknob ng pinto. Mabilis akong kumilos papunta sa likod nitong pinto bago pa tuluyang bumukas ito. Takip-takip ang bibig at pigil akong nakatayo dito.
"Sorry po sa abala pero po sir Patrick, may napansin po ba kayong pumasok ditong kahina-hinalang tao?" tumingin ito sa akin na parang nagtatanong bago muli niyang binaling ang atensyon sa kausap na sa may pinto. Hindi ako pwede magkamali, isa siya sa mga humahabol sa akin.
So, Patrick pala ang pangalan niya. Oo nga! Tama! Pero sana naman hindi niya ako isumbong...
"Nothing. I'm just the only one here." simpleng sagot nito. Nagpaalam na ang lalaki sa kanya at sumara na ang pinto. Malalim akong napabuntong ng hininga. Salamat sa kanya kasi hindi niya ako sinumbong.
"Why are they looking for you?" nabalik ako sa wisyu nang muling magsalita siya. Matagal ako bago makasagot kaya naman nagtaka na siya. Ano ba dapat ang isasagot ko para hindi niya ako isumbong. Baka mamaya magbago ang isip ng lalaking 'to at ipahuli ako.
"Ahmm... Ano kasi... Gusto ko lang naman talaga kayo mapanuod na magperform ng live. Matagal na pangarap ko na talaga yun. Matagal kong pinag-ipunan yung pambili ng concert ticket para matupad yung pangarap ko, ang kaso..." napayuko na lang ako at hindi naituloy ang sasabihin. Ayokong sabihin ang dahilan kung bakit ako pinaghahanap ng mga guwardiya.
Natuod ako sa kinatatayuan ko nang may marinig akong boses ng babae mula sa likuran ko. Para akong sinilaban dahil hindi ko man lang narinig na bumukas yung pinto.
"Sir Patrick..." matagal ito bago nadugtungan ang susunod na sasabihin. "Magsa-start na po ang event in less than 5 minutes." muling sumara ang pinto at nawala ang kaba ko sa dibdib. Buti na lang hindi updated si ate mong girl sa about na pumuslit na tao sa loob.
"Susunod na lang ako." nakita kong kumuha siya ng white plain shirt at black leather jacket at isinuot ito. Naglakad na siya palabas pero bago pa man yun ay may sinabi pa siya sa akin.
"You owe me one." at narinig kong sumara na ang pinto. Pansamantala akong natulala sa sinabi niya. Nabalik na lang ako sa katinuan ko nang marealize ko na magsisimula na nga pala ang concert ng asawa ko. Kailangan ko yun mapanuod. Dali-dali kong nilisan ang kwarto. Patingin-tingin sa paligid, baka may mga guwardiya.
Narinig ko ang malakas na hiyawan hindi kalayuan. Emeged! Magsisimula na. Lakad-takbo kong tinungo kung saan banda yun.
"Are you ready?!" boses ng lalaki ang sumunod na umalingaw-ngaw at kung hindi ako nagkakamali ay yun ay boses ng kaisa-isa kong asawa. Kailangan ko na silang makita.
Nagsimula nang tumugtog ang banda at binalot muli nang matinding hiyawan nang magsimula nang kumanta si fafa Klein.
"This ain't a song for the broken-hearted
No silent prayer for the faith-departed..."
"Ayon siya!" hindi ko na nilingon ang sumigaw na yun upang kumpirmahin kundi mabilis na lamang akong tumakbo.
Paktay na! Nakita na nila ako. Takbo Timmy! Bilisan ang takbo, huwag kang pabebe.
"I ain't gonna be just a face in the crowd
You're gonna hear my voice
When I shout it out loud..."
Mas lalo ata silang dumami ngayong humahabol sa akin. Emeged! Paniguradong makukulong ako nito sa kalokohang ginawa ko.
Patingin-tingin ako sa likuran ko at sinisiguro na malayo pa sila. At dahil sa sobrang panic ko hindi ko na alam ang tinatahak ko.
"It's my life
It's now or never
I ain't gonna live forever
I just want to live while I'm alive..."
At ako si tatanga-tanga! Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa mismong stage kung nasa'n ang Nirvana Redux kasulukayang nagpeperform.
Hindi ko na napigilan ang mga paa ko sa pagtakbo at nagdire-diretso na ako kung saan mismo nakatayo si fafa Klein--- at sa isang kisap mata ay nabunggo ko siya. Nakita ko pa siyang napalingon sa akin dahil sa sigaw ko bago pa tuluyan kaming napatumba dito mismo sa gitna ng stage. Ang masama pa ay napapatong ako sa kanya.
Kasabay ang pagtigil ng pagkanta niya. 'Yon din ang pagtigil ng pagtugtog ng kabanda niya, ang pagtigil ng o paghiyawan ng mga tao sa buong paligid.
Napatitig ako sa mata niyang nakapikit. Parang bumagal ang lahat sa paligid ko. Wala akong naririnig ni ano. At sa isang iglap kasabay ng pagpikit ko ng mariin ay ang pagkatumba ng microphone stand at pag-ugong nito ay yun din ang pagmulat ng mata niya.
Paktay.
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ