Timmy's Point of View.
Nakakatanga lang! Hindi maalis-alis kasi sa isip ko yung nangyari kagabi. Remember? Sa tagal ng walang update ni otor hindi na yun kagabi nangyari at paniguradong limot niyo na rin yun. Kaya let me tell you a story! Ganito kasi yun mga bes. Diba nga nasisante ako sa trabaho at nakisabay pa 'tong si aling Martha, pinalayas nga ako sa tinutuluyan kong apartment dahil sa hindi ko agbayad ng upa. Tapos nagmukha na akong palaboy-laboy sa kung saan. Mukhang lutang na mapagkakamalan mo nang nakatira dahil sa di mo malaman kung anong hitsura. So ganun na nga, sa sobrang ganda ng ate niyo pinagkainteresan na tayo ng mga adik. Gusto niyo yun diba? Muntikan na akong marape mga gaga kayo! Mukha daw akong dyosang palaboy-laboy sa gitna ng dilim.
Kaya lesson learned: Huwag masyadong nagpapaganda baka marape ka.
Gusto ko na sanang maiyak dahil hindi ang asawa ko ang una ko. Nahawakan na nila ang different beautiful body parts ko kaya tinawag ko na ang iba't-ibang santo at kung sinuswerte ka nga naman. May dumating na santo! Pinagbubugbog yung tatlong adik na namolestya sa katawan ko.
Pagkatapos, kakausapin ko pa sana yung tumulong sa akin kaso bigla naman 'tong tumakbo papalayo pero bago pa man siya makalayo may nahulog na keychain sa bulsa niya. Oo! Kahit imposible pero may nahulog talagang keychain sa pocket niya. Alam niyo yun! So, nacurious si ako. Pinulot ko at doon ko napagtantong isa yung Stitch keychain. Kilala niyo yun? Sino ba si stitch? Kaya nasabi kong si stitch kasi may nakalagay sa baba. Yung drawing na kulay asul na aso ba 'to tapos may dalawang antenna sa ulo at sa baba nito nakalagay yung pangalan niya.
Napakamot na lang ako sa batok at sumulyap-sulyap sa paligid nagbabasakaling makita ko pa siya ngunit wala na talagang bakas niya. Bigla akong pinanindigan ng balahibo ng hindi alam ang dahilan mga bes. Mamaya multo pala yun. Nagpasuperhero effect lang. Emeged! Mamaya ako naman ang mabugbog ng kung sino mang nilalang na yun. Pero infairness, ang ganda ng keychain na 'to ah. Matago na nga baka mahulog din ng tulad sa kanya.
Kinuha ko na ang bag ko at nagwalk-out na sa lugar na yun. Malay mo magkapart two pa yung pa-adik r**e sa akin, edi na nadedo na tayo ng tuluyan. Hindi na tayo masasagip ng eklavush na hero ko kuno na yun.
At yun nga ang nangyari kagabi! Kung tinatanong niyo kung saan ako natulog kagabi, huwag niyo nang alamin mga bekshie. Alam niyo bang ilang beses pa akong hinabol ng mga asong gusto akong lapain at ilang beses din akong nakipagyera sa mga pusa para lang mapunan ang kumukulo kong tiyan. At last, nagmakaawa sa mga tulad kong palaboy na makitulog sa tabi nila. Todo acting ako mga bes para lang pumayag sila. In the end naman, umu-oo sila. Syempre natuwa ang lola niyo kasi may matutulugan na ako.
Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako agad. Buti nga ang babait nila kasi pumayag sila kahit siksikan na sila sa kartong nakalatag sa ilalim ng puno ng narra.
Edi kinuwento ko na mga loka-loka kayo. Happy na? Alam niyo na ang pinagdaanan ko bilang palaboy sa daan. Ang hirap pala ng ganitong experience. Sobrang maaawa ka na lang talaga sa sarili mo.
Kinaumagahan...
Pagkagising na pagkagising ko wala na yung mga katabi ko sa pagtulog maging--- Emeged! Pati yung bag ko wala na din! Mga walanghiya ang mga yun. Dali-dali akong tumayo at nagpaikot-ikot sa lugar. Ito, nagbabasakali na naman na makita ang mga ulupong na yun. Makalipas ang ilang minuto ay nalugmok na lamang ako sa sobrang panghihina at nawalan na ng pag-asang makita sila ulit. Tanging cellphone, at yung dalawang importanteng bagay lang ang nasa bulsa ko--- yung concert ticket ng asawa ko at yung keychain ng asong may antenna sa ulo.
Paano na naman ako nito ngayon? Nakakainis na ah! Puro na lang malas ang mga pangyayari ngayon. Padabog kong binato ang maliit na bato na nasa harap ko sa sobrang inis. Wala na ba talagang magandang pwedeng mangyari sa akin? Minsan lang ako mainis pero tinodo na talaga nila ako. Gigil nila si ako ah! Ayoko nang mabuhay.
Wala akong choice kundi ang maglakad na lang papaalis sa lugar na 'to.
Paano na lang kapag namaho ako, wala akong damit pamalit. Concert na pa naman ng asawa ko mamayang gabi. Anong isusuot ko niyan. Makikita ko na naman ang asawa ko pero yung hitsura ko mukhang hindi prepared sa event. Bahala na si bretman! Wala na akong pake basta ang mahalaga makita ko ang asawa ko at hindi na lang puro sa tv ko sila pinapanuod, diba? Sayang naman 'tong ticket na binili ko kung hindi ako pupunta ng dahil lang sa wala akong damit para sa ganap mamaya.
Isang malaking ekis. Lalaban tayo kahit ano pa man ang mangyari. Itutuloy natin ang laban kahit ano pa man ang humarang sa akin. Kahit isang malupit na gorilla yan, lalaban ko yan alang-ala sa asawa ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang lugawan. Oo bes! Isang lugawan kung saan maraming driver ng tricycle ang kumakain. Hindi kalayuan kasi nito ay ang mga nakapilang tricycle and for sure ay breaktime nila ngayon.
Kasabay ng pagtitig ko sa mga kumakain ay yun din ang paghilab ng tiyan ko. Napahawak na lamang ako dito.
"Konting tiis na lang baby ah. Makakakain din tayo."
Kitams! Mukha na akong timang na kinakausap pati ang tiyan ko. Ganito ba talaga dapat ang ganap kapag palaboy ka na lang. Nakakasira pala naman 'to ng poise ko. Nawawala yung poise ko mga bes.
At yun na nga... Hindi na nakatiis ang lola niyo. Hinang-hina na din ako dala ng pagkagutom. Kaya no choice tayo kundi gamitin ang sarili nating diskarte--- ang diskarteng malupet ni Timmy.
Hinanga malalim... Buga!
"Ahmm... Hello po kuya." napatigil si mamang driver sa pagkain at napalingon sa akin. Syempre hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Dumada na ang lola niyo.
"Ano yun?!" napaatras ako ng bahagya nang lingunin ako ni mamamg driver. Nashookt naman ako sa expression ni manong. Di pa pwedeng kalma lang muna tayo? Masyadong exaggerated, hindi ko pa nga nasasabi yung susunod kong linya.
"P-pwede po bang humingi ng kahit konti niyang kinakain niyo--- po." imbes na sagutin niya ako ay mas pinili niyang manahimik at pinagpatuloy ang naabala niyang pagkain.
Hindi ba siya naaawa sa akin? Isang dyosa ang nagugutom sa tabi niya at nagmamakaawa ng kahit konting lugaw man sa kanya.
"Sige na po. Kahit konting-konti lang po talaga. Maawa na po kayo..."
"Kung gusto mo malagyan yang tiyan mo, maghanap-buhay ka. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Huwag yung umaasa ka sa ibang tao." napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa batok ko. Naghihingi lang naman ako ng pagkain, nasermunan pa tuloy ako. Kasalanan ko bang nawalan ako ng trabaho? Hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to ah. Masyado kasi si manong!
"Bata!" napatigil ako sa pageemote nang may tumapik sa balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon dito at bumungad sa akin ang mukha ng isang matanda na may bitbit na mangkok, na hindi ko alam kung ano ang laman pero base sa hula ko ay kapareho yun ng kinakain ng lalaking garapal ang ugali maging ang mukha.
"Sayo na lang 'to. Alam kong kailangan mo 'to kaysa sa akin." base sa hula ko ay nasa 70's na ito base na rin sa kulubot-kulubot nitong balat.
"Sigurado po kayo lolo?"
"Tanggapin mo na lang. Kahit anong pilit mong hingi sa kanya, hindi ka niyan bibigyan."
Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang lugaw na alok niya. Nagulat pa ako nang yayain niya akong umupo kahilera ang iba pang mga driver.
"Ako nga po pala si Timmy." sabi ko at tumingin sa kanya. Tahimik lamang nakatitig sa akin si lolo at nakangiti.
"Tawagin mo na lang akong lolo Meong."
Matapos yun ay nagpatuloy lang ako sa pagkain. Kailangan mapunan 'tong tiyan ko bago ako pumunta sa concert ng asawa ko.
"Nakikita ko ang apo ko sa'yo habang nakangiti. Parehong-pareho kayo ng ngiti." kalaunan ay naglaho ang ngiting nakaguhit sa labi niya.
"Maraming salamat po. Nasa'n na po pala yung apo niyo?"
"Namatay siya dahil sa isang aksidente. Siya ang kaisa-isa kong apo at sobrang nalungkot talaga ako simula ng mawala siya sa buhay naming lahat. Kaya nang makita kitang nagmamakaawa kanina, naalala ko sayo ang apo ko."
"Hindi ko po sinasadyang itanong." yinakap ko siya ng mahigpit at kumalas din naman ako agad.
"Walang problema."
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay nagkuwentuhan pa kami ni lolo Meong ng kung ano-ano. Nakuwento ko din sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon na lubos niyang naintindihan. Mabait siya. Sobrang bait.
"Nabusog ka ba apo?" pagtapos niya sa pagkukuwentuhan namin.
Ngumiti lamang ako at tumango bilang pagsang-ayon sa tanong niya.
"Saan na ang punta mo ngayon?" natigil ako sa paglalakad at nag-isip ng malalim.
Saan nga ba?
Paniguradong wala na naman akong matutuluyan nito ngayong gabi. Matutulog na naman ako sa tabi ng daan at titiisin ang lamig na dulot ng hangin.
Wala sa sarili na lang akong napabuntong-hininga at lumingon sa matanda.
"Didiretso na lang siguro po ako sa concert ng asawa ko?" kahit medyo nakakailang, wala na rin akong dahilan para bawiin ang sinabi ko at yun lang naman talaga ang balak ko ngayon. Diba?
"Saan ba ang konsirt ng asawa mo?" medyo natatawang mungkahi ni lolo Meong.
"Ako na ang maghahatid sayo sa labasan."
"Talaga po? Maraming salamat po talaga!" sa muling pagkakataon ay niyakap ko siyang muli at nagpunas ng luhang pumatak pareho sa mga mata ko.
Tsk! Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay sobrang iyakin ko na. Hindi naman ako ganito dati ah! Kaya ako pumapanget eh.
Ang drama kasi ng buhay mo...
Matapos ang madramang kaganapan ay sumakay na ako sa tricycle na pinapasada ni lolo at walang patumpik-tumpik itong pinaandar patungo sa labasan nitong lugar.
Pagkababa na pagkababa ko ay agad akong binigyan ni lolo Meong ng pera na tatanggihan ko pa sana, kaso nagpumilit siya. Pamasahe ko na rin daw papunta sa 'konsirt' ng asawa ko. Tanging pasasalamat lang ang nasabi ko at nagpaalam na sa kanya.
Kahit konting oras lang na nakasama ko siya ay naging parte na siya ng buhay ko. Kung hindi dahil kay lolo Meong ay nagugutom pa rin sana ako ngayon. Kaya matuto tayong magpasalamat sa mga bagay na natatanggap natin kahit gaano pa kasimple yan.
Nagaala-wisdom words na ang lola niyong dyosa oh!
Sumakay na lang ako sa bus para mas mabilis ang maging byahe ko. Kung majijeep lang kasi ako baka maipit pa ako sa traffic. Tsaka may free aircon pa ako kaya bawas haggard tayo mga bes. Gusto mo yun? Gustong-gusto ko yun! Kaya bongga ako nang makaratingsa venue ng asawa ko. Mahaba ang naging byahe ko kaya gabi na ako nakarating.
Maraming pailaw mga bes! Sobrang liwanag ng buong place at nagsikalat ang mga tao. Mga iba't-ibang tao. For example, boys and girls, bakla at tomboy and hindi na din nawala ang mga mukhang hayop.
Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng arena nang may bumangga sa aking babaeng tumatakbo dahilan para masubsob ako sa daan. Kahit masakit ang balakang dahil sa pagbagsak ko ay tumayo na ako at hindi na lang pinansin yung babae.
Muli akong nalula sa mahabang pila na nadatnan ko sa ikalawang pagkakataon. Una, nang bumili ako ng ticket para sa concert ng asawa ko at pangalawa ay ngayon. Sa mismong concert ng aking tanging asawa. Diba bongga?
You need to suffer before you achieve the things you want. Ganern!
So dating gawi tayo mga bes! Pila-pila na naman ang trip ng lola niyo para lang mapanuod ang concert ng tanging asawa ko.
Partida, wala pang ligo yan at kung hindi pa dahil kay lolo ay hindi pa ako kumakain ngayon. Pero keri lang!
After a minute ay napunta na ako sa pinakadulo ng pila at ibig sabibin ay my turn na. So, kinuha ko na yung ticket ko para makapasok. Kinapa-kapa ko siya bulsa ko pero wala akong makapa. Nakapa ko na lahat pero wala talaga siya. Syempre nabother na ako mga bes! Yung t***k ng puso ko iba na.
"Matagal pa ba yan?!" masungit na tanong ng guwardiya sa akin. Hindi ko na yun pinansin at pinagpatuloy ang pangangapa.
Naiiyak na ako na parang ewan kasi wala talaga siya. Hindi pwede 'to. Pinaghirapan ko yung ticket na yun. Ilang beses akong hindi kumain para makaipon para sa concert ng asawa ko.
Saan na yun pumunta? Patulong mga bakla!
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ