TRD - 04

2226 Words
Timmy's Point of View. Walang tigil pa rin ako sa pag-iyak habang tinatahak ang daan papauwi.  "Wala na akong trabaho..." "Wala na akong trabaho..." "Wala na akong trabaho..." Para akong tangang hindi makausap sa sobrang lutang ng utak ko. Sino ba namang tao ang hindi makakaranas ng ganito? Tanga lang. Matutuwa ka kapag nawalan ka ng trabaho? Diba hindi? Paano na ako nito ngayon? Saang kangkungan na nito ako pupulutin. Ako yung bread winner ng pamilya beks. Tapos ano--- nawalan ako ng trabaho. Anong ipapadala ko ngayong pera sa kanila aber? Wala. Wala nang natira sa ipon ko ni piso. Sariling pangkain ko wala. Kaya ito nganga. Havana oh na na All of my pera ay wala na na na na Penge naman ako ng pera oh mama All of my pera ay wala na, Wala na akong pera, kaya eto nga nga... Buti naman naapply ko yung kanta ni ateng nasa video na napanuod ko nang isang araw. Haist! Why life is so unfair?Bakit kailangan pagdaanan ko ang ganitong problema? Ako na nga lang mag-isa dito sa Maynila tapos ganito pa. It can't be. Di ko kakayanin. Malalim ako napahugot ng hangin at napaupo saglit sa bangko na nakita ko sa gilid ng daan. Gusto ko muna magpahinga kahit saglit lang. I want to go somewhere where problem doesn't exist. Gusto kong takbuhan ng problema. Ang kaso, sinasampal ako ng matinding reyalidad ng buhay. Kahit saan ka man pumunta laging nakasunod sa'yo ang problema. There's no place like wonderland. There is no way to escape the struggles in our lives. We don't have any choice but to face those and surpass everything. Gusto ko uminom--- gusto ko uminom ng tubig. Sawang-sawa na ako sa mga problema. Problemang walang ni anong solusyon. Napahagulhol na lamang ako sa bigat na nadaramang dala-dala ko. Ang hirap pala kapag tuluyan kang natabunan ng mga problema mo pero pipilitin mo pa rin ngumiti para hindi masabihan ng ibang tao na mahina. Ayokong nakikita ng ibang tao ang mahinang ako. Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko maiwasan. Wala akong makitang solusyon para makaahon mula sa pagkakabaon. Masyadong malalim na at mahirap nang makapunta sa ibabaw.  Di nagtagal ay nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi. Nasa tapat pa lang ako ng apartment pero dinig na dinig ko na ang boses ni Aling Martha--- maging si Fred. "Anong ganap?" sambit ko sa sarili ko habang pinupunasan ang bakas ng mga luha sa aking pisngi.  "Nasa'n na ang baklang Tim na yan at hanggang ngayon wala pa rin yan dito!?" kinutuban na ako nag marinig ko ang pangalan ko. Halos liparin ko na ang bawat baitang ng hagdan para lang mabilis na makapunta sa palapag ng kwarto ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nasilayan ko. Lahat ng gamit kong matagal kong ipinundar ay lahat nasa labas na. Nagkalat sa kung saan ang mga damit ko at ang iba pang mga gamit.  Ano 'to? "Teka po Aling Martha!" sinubukan kong pigilan ang pagbasag niya sa kaisa-isang tasa ko ngunit huli na ang lahat. Saglit akong natulala sa basag-basag na piraso ng tasa na bigay pa sa akin ni mama bago ako lumuwas dito sa Maynila. "Buti naman nandito ka na? Kanina pa ako naghihintay dito at sana kung hindi ka pa dumating ipapasunog ko na ang lahat ng yan."  "Mapag-uusapan pa naman po 'to diba? Magbabayad po ako sa inyo." Mataray itong namewang sa harap ko at ibinuklat ang kulay dilaw niyang pamaypay. "Kailan pa? Binigyan na kita ng isang araw na palugit pero hindi ka pa rin nagbayad. Ngayon! Ligpitin mo na yang kalat mo at umalis na dito sa lugar ko." tinalikuran na ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang. Kahit masakit para sa akin ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko sa malamig na sahig at inilagay ang mga 'to sa bag ko. Pasinghot-singhot ako at umiiyak. Maraming mga tao sa paligid na animong may artista lang na dumating. Ayoko sa lahat ay nagigi akong center of attraction. Ayokong napapansin ako ng maraming tao.  Napaangat ako ng ulo nang may makita akong kamay na tumulong sa akin sa pagpupulot.  "Sorry sa ginawa ni mama. Ginawa ko namang pigilan siya pero wala na talaga akong nagawa." mapait akong napangiti sa sinabi ni Fred. Kahit papa'no mabait din pala 'tong lalaking 'to.  "Okay lang. Kasalanan ko naman kasi talaga." nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at yinakap ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.  Buti na lang talaga wala ng mga taong nakikiusyuso sa kung saan. Kapag nagkataon, sobrang kahihiyan na 'to. "Kung may magagawa lang sana ako." bulong niya sa akin. Di rin naman nagtagal yun at agad siyang kumalas ngunit may kasunod pa pala ang yakap niya sa akin. Pinunas niya ang luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya at malapad na ngumiti sa akin. Matapos ay tinulungan niya akong tumayo at kinuha sa akin ang bag ko. "Pa'no yang iba mong mga gamit?" "Pa'no ko naman lahat yan mabibitbit eh ang liit-liit kong tao."  Kasalukuyan akong nakatayo sa kanto kasama pa rin si Fred. Nahihintay ako ng jeep na masasakyan ko. Saan? Hindi ko alam. Kung saan siguro ako dalhin ng mga paa ko.  "Ayan! Buti naitabi ko yan." iniabot sa akin ni Fred ang chocolate at rose na binigay niya sa akin kanina. Sa sobrang pagmamadali ko makabili ng ticket, hindi ko na napansin yung bigay niya. "Salamat." tanging nasabi ko bago kunin ang mga ito. Matagal na katahimikan muli ang namayani sa pagitan namin. Tahimik lang akong naghihintay habang siya ay bitbit pa rin ang bag ko. Napapangiti na lang ako dahil kahit papaano may tao pa ring handang damayan ako. Buong akala ko ay puro kalokohan lang ang alam ng lalaking 'to. May mabuting puso rin pala siya. "Mas lalong gumaganda ka kapag nakangiti." nagtataka akong napatingin sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin at parang may sinasabi ang mga ito sa isa't-isa.  Ang bilis ng t***k ng puso ko na tanging ngayon ko lang naramdaman. Lihim akong napangiti at sakto namang may jeep na tumigil sa harap namin. "Ah! S-sige. Alis na ako." hahakbang na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at yakapin ng mahigpit. Para akong natuod sa inakto niya. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Siya na ang unang kumalas sa yakap at binigyan ako ng matamis na ngiti. Inabot niya sa akin ang bag tsaka ginulo ang buhok ko. "Balik ka dito ah." tanging tango na lang ang aking nasagot bago sumakay sa jeep na kanina pa bumubusina. Kuya! Hay naku... Huwag kang bitter diyan. Naglalambing pa 'tong si Fred eh. Puro ka extra ha. *** Malalim akong napabuntong-hininga. Wala bang pwedeng mangyaring maganda sa akin? Bakit lahat na lang problema amg dumadating sa buhay ko?  Hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Saan na ako pupulutin nito ngayon?  "Wala ka na ngang trabaho, pinalayas ka pa." para na akong tanga dito na nakaupo sa swing nitong park. Kanina pa ako iyak ng iyak at kinakausap ang sarili. Diba? Parang tanga lang. Ganyan talaga nangyayari sa mga nakatira. Tokhang niyo na yan. Nganga na ako nito. Wala naman akong kamag-anak dito na pwedeng matuluyan. Kaya no choice ako kundi ang matulog sa tabi ng kalsada. Palaboy-laboy mode ako nito. Iyak na this... "Ikaw na lang ang magpapasaya sa akin." ibinuklat ko ang binili kong ticket para sa concert ng asawa ko.  Oo! Tama kayo ng dinig. Tanging asawa ko na lang ang nagpapasaya sa akin. Mahal na mahal ko kaya siya. Ang tanong, mahal niya rin ba ako? Huwag nang umasa mga bes. Kanina nga nang nakita niya ako di niya man lang ako nanotice. Notice me fafa. Ganun!  Di niya man lang alam na magpapakasal na kami. Hinding-hindi ko siya kayang ipagpalit sa ibang lalaki dahil para lang sa kanya itong puso ko. "Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal." pabalang kong pinunas ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko. Ngunit kahit ilang ulit ko nang pinupunas ito ay nagmumukha lang akong batang madungis. Haist... Bawal na bawal ka talagang umiyak kasi pumapangit ka. Mukha kang baby damulag. Napatigil ako sa pageemote nang magvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at agad na rumihestro sa screen ang pangalan ni mama. Suminghot muna ako ng ilang ulit at inalis ang bara na nasa lalamunan ko. Kailangan hindi ako mahalata ni mama na umiiyak. "H-hello ma." kakasabi ko pa lang eh. Kailangan normal lang ang boses mo Tim. Huwag mong hayaan na malaman ni mama na may pinagdadaanan ka--- na wala ka ng trabaho at pinalayas ka na sa apartment na tinutuluyan mo. "Masama ba ang pakiramdam mo anak? Bakit parang ang tamlay ata ng boses mo." "Nay naman! Pagod lang ako no. Ahmm... Bakit po kayo tumawag?" matagal bago nakapagsalita si mama. Tanging mga iba't-ibang boses lang ang dinig ko. Nasaan ba 'to? "Nasa ospital ang kapatid mo." halos mabitawan ko na ang hawak kong cellphone. Wala akong mahagilap na pwedeng sabihin. Natulala na lamang ako sa kawalan. "B-bakit po s-siya naospital?"  "Ayoko sana lumapit sayo dahil sobra-sobra na ang nabigay mo sa amin. Pero wala na akong ibang pwedeng malapitan kundi ikaw lang anak." Ano nang gagawin ko? Hindi dapat nila malaman kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon dito.  "Ilang araw nang nilalagnat ang kapatid mo pero hindi ko agad nasabi sayo dahil akala ko simpleng lagnat lang yun. Pero mag-iisang linggo na ang lagnat ni Nat-nat kaya napgdesisyunan na namin ng papa mo na dalhin siya sa ospital. Doon namin nalaman na may dengue ang kapatid mo." "S-sige po. Gagawan ko po ng paraan."  "Maraming salamat talaga anak. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." "Salamat po ma. Sige po. Magpapahinga na po ako." pinindot ko na ang 'end button' at sinilid ito pabalik sa bulsa ko.  Ilang beses na ba ako bumuntong-hininga dahil sa mga pinagdadanan ko? Hindi ko na mabilang. Hindi ko pa nga nasosolusyunan ang problema ko. May bagong problema na naman. Buhay nga naman.  Life is too unfair. Gutom man ay tumayo na ako sa pagkakaupo at nagsimula nang maghanap ng lugar na mapaglilipasan ko ng gabi. Alangan naman na dito na ako matulog. Edi nilamok na ako. Palakad-lakad lang ako kung saan ako dalhin ng sarili kong paa. Dinadama ang malamig na hangin sa dumadampi sa balat ko. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom. Naghihina na din ang buong katawan ko.  Mukha naman akong tanga nito na paikot-ikot. Hindi ko na alam kung nasaan akong lugar pero--- base sa nakikita ko sa paligid, tanging madilim lang na lugar at mga puno sa gilid ng daan ang kinaroroonan ko.  Napatigil ako sa pagmanman nang may marinig akong kaluskos sa kung saan. "Emeged! Kung s-sino man yan, lumabas kanna d-diyan?" napahigpit ang hawak ko sa bag at lumingon-lingon sa lugar. Mukha namang horror ang ganap. Nakakatakot. Meron naman sanang poste ang kaso wala namang sindi. Ih! Bakit naman kasi dito ako dinala ng peste kong paa. Ikaw ata ang malas ko eh?  "Hi miss..." napaikot ako papaharap sa boses na nagsalita sa likuran ko. Natutop ako nang mabungaran ko ang tatlong lalaking mukhang lasing pa ata. Nakatopless pa ang isa na na animong kay ganda ng katawan. Dahan-dahan akong umatras dahil unang sulyap ko pa lang sa kanila ay mukhang hindi na mapagkakatiwalaan lalo na lulong sila sa alak. Bakit ngayon pa kung kailan gutom na gutom ako? Napapitlag ako nang hawakan ako ng isa sa balikat at marahas na hinila papalapit sa kanya. Muntikan pa akong masuka dahil sa umaalingasaw niyang amoy "Chill ka lang miss. Papasayahin la namin." "Maawa po kayo sa---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa agarang paglapit ng ilong nito sa leeg ko. Wala akong nagawa kundi ang ipikit ng mariin ang pareho kong mga mata.  "Ang bango niya mga pare!" sigaw nito. "Mukhang jackpot tayo diyan. Tirahin na natin." pagsang-ayon nito sa isa.  Kung alam lang nila na hindi ako babae baka sakaling may tyansa pang lubayan nila. "H-hindi p-po ako babae..." nakapikit kong sabi. Biglang tumahimik silang tatlo pero sandali lang iyon. "Wala kaming pakialam. Basta mukhang babae ayos na yun sa'min." Nanginig ako sa sobrang takot na lumukob sa buong pakatao ko sa sunod-sunod nilang malalakas na tawa. Naramdaman ko ang paghawak ng isa sa bewang ko. Pinilit ko ang pumiglas ngunit wala yun kumpara sa mga lakas nila samantalang ako ay mag-isa lang. Tuluyan nang namuo ang luha ko sa mga mata nang sinimulan nilang halikan ang leeg ko pababa sa balikat ko samantala ang dalawa niyang kasama ay parehong nakahawak sa braso ko. Halos mamilipit na ako sa sobrang sakit ng pagkakahawak nila. Sobrang higpit. "Maawa na po kayo..." hindi ko alam kung narinig nila ang tinig ko dahil halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko. "Ako naman---" pagak akong napasigaw sa narinig kong bumagsak sa lupa at sunod-sunod na kalabog ng katawan. Wala na ring nakahawak sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at hindi kaaya-aya ang nasaksihan ko. Isang lalaki ang nakapaibabaw sa lalaking kaninang minanyak ako at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok ito sa mukha. Ang dalawa namang kasamahan nito ay nakahandusay na sa lupa at walang malay. A-anong nangyayari? Saan galing ang lalaking yan? Sino siya? ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD