Timmy's Point of View.
Nakakaloka pala kapag ganito ang ganap. Sobrang init kahit wala namang araw. Nahiya na ata yung aircon magpalamig sa sobrang dami ng tao. Kani-kanina may naganap na exorcism beks. Di ko kinaya. Nagsigawan yung mga anes. Nakakaloka. Di kinaya ni ate mong girl yung haba ng pila. Bumigay ang katawan. Pero itong mas malufet! Sige. Tawa muna ako. Medyo gross siya! Isa rin siyang hindi nakatiis. Natae siya sa pants niya. Mas lalo di ko kinaya. Kadiri diba? Bakit kasi di muna nagwithdraw bago pumunta dito? Yan tuloy nagwithdraw ng wala sa oras.
Buhay nga naman.
Pero share ko lang naman yun. So far, wala pa namang World War III na nagaganap dito. Pero laban lang kahit wala pa ako sa kalahati ng pila. Para sa asawa ko titiisin ko ang lahat. Para sa asawa ko susuungin ko lahat ng paghihirap. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko hanggang sa huling hininga ko. Excuse me, hindi amoy imburnal ang hininga ko. Mabango ata 'to. Alagang colgate. Kailangang ipromote dahil sponsored sila sa kwento ko.
Kaso may problema tayo. Oo! May malaking problema ang ating dyosa. Kanina pa kasi ako nagugutom. Kagabi pa kasi ako walang kain. Puro lang ako kuda. Remember? Magdamag walang laman 'tong tiyan ko. Puro ako chickahan sa inyo? Ang dami niyo kasing tanong. Napapahawak na lang talaga ako kapag natunog ang tiyan ko. Nakakahiya naman sa mga katabi ko. Mamaya isipin nilang natatae na rin ako.
Lumipas ang humigit isang oras, at sa wakas nasa kalahati na ako ng pila. I hope so! Kanina pa kaya ako standing ovation dito. Nakakangalay kaya tapos--- wait! Naaamoy niyo ba ang naaamoy ko? Syempre hindi. Wala naman kayo dito. Lumingon-lingon ako sa paligid at sa harapan ko ay nakita ko si ate girl na kumakain. Ate na nga girl pa. Why so redundant?
Beks! Feeling ko babaha dito ng dahil sa laway ko. Hindi ko alam pero parang gustong-gusto ko matikman ang kinakain niya kahit biscuit lang yun. Parang ang sarap? Kapag nakakain ako niyan, solve na solve na ako. Parang masarap beks.
Rebisco Crackers. Tatlo at may pasobra pa. Saan ka pa? Mag-Rebisco Crackers na.
Kung pwede lang 'te, tigdalawa tayo. Apat yan bes. Sobra-sobra na ata yan diyan sa malastick mong katawan. Sana pansinin mo naman ang dyosang nagugutom dito. Marami ang magagalit kapag namatay ako dahil sa gutom. Mababawasan ang magaganda sa mundong ibabaw. Tsaka magpapakasal pa kami ng asawa ko.
Sinundot-sundot ko si girl sa tagiliran at napaigtad sabay tingin ng masama sa akin. Kakapalan ko na ang mukha ko kaysa naman matsuge ako dito. Ang panget naman ng timing mga 'te kung dito ako matitegi. Diba?
"Ate girl. Pwede pahingi?" inilahad ko ang di kalambutan kong kamay at nagpuppy eyes. Kailangan kasi may konting acting. Para mabig--- Shookt! Inirapan lang ako ni ate girl. Emeged ah! Unang beses sa akin yun nangyari. It can't be. Wala siyang galang sa mga magaganda. Palibhasa hindi siya maganda.
Karmahin sana siya.
Lumipas pa ang isang dekada bago ako makarating sa pinakadulo ng pila. Alam mo yung ganung feeling? Parang gusto ko mang himatayin dahil sa wakas nakaapak ka na sa pinakaunahan ng pila. Tsk! Sorry na lang kayo mga beks. Nandito na ako sa unahan at kayo nandyan pa din sa likuran. Ako naman ang bida at kayo naman ang audience.
Dali-dali kong nilabas ang garapon sa bag ko at inilapag ito sa may ticket booth.
"Seriously? Garapon talaga?" dinig kong bulong ng negrang babae sa likod ko. Ano bang pakialam niya? Pera naman ang laman niyan ah. Kung makabulong naman 'to, akala niya kinaganda niya. Bungal naman. Kaya siguro pumanget 'to dahil ang hilig manlait. Tuloy mo lang yan 'te para mabungal ka na ng tuluyan.
Nakita ko yung babaeng naka-assign sa booth na dahan-dahan itong binubuksan. Anong problema sa labi niya? Bakit siya nakangiwi? Gusto mo ng tulong ateng?
"Ahmm... Seryoso po kayo? Ito pong barya na 'to ang ibabayad niyo?" ang arte naman ng babaeng 'to. May problema ba sila sa pera?
"Excuse me ah! Miss... Kahit barya yan, pera pa naman yan ah! Kung gusto mo, huwag mo nang bilangin. Kumpletong eleven thousand na yan. Dinagdagan ko na nga yan eh." fierce ka lang dapat Timmy. Huwag mong papansinin ang mga taong nasa likuran mong parang mga bubuyog kakabulong. Naririnig ko mga sinasabi niyo mga bruha. Maghintay kayo kung gusto niyo makabili ng ticket.
Makapal ata mukha nito. Hindi uso sa akin ang salitang 'hiya'. What a word! Nakakain ba yun?
Walang choice si ate mong cashier kundi bilangin ang limpak-limpak kong pera. Syempre kailangan kong hintayin na matapos siya bago ko makuha yung pinaghihirapan kong ticket.
Palingon-lingon ako sa likod at may mangilan-mangilan akong nakikitang patingin-tingin sa relo nila. May mga iba namang nakabusangot. Parang ginusot ng higante yung mga pagmumukha. Di na naawa. Be patience kasi. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Ganyan kasi mga ugali ng pinoy. Duh!
"Ten thousand Nine Hundred Ninety-nine... Eleven thousand." napaigtad ako nang matapos si ateng magbilang nang bigla na lang siyang nahimatay. Nashookt ang beauty ko mga bes. Anyare? Kasya pero di niya kinaya. Nagbilang lang siya, nahimatay na agad. Grabehan naman si ate mong cashier. So weak!
Ito na! Ito na! Here we go! Emeged... Kinikilig aketch! Para na akong uod na binuhusan ng asin sa sobrang kilig nang sa wakas nakuha ko na ang concert ticket para sa asawa ko. Malapit nang matupad ang pinakapapangarap ko.
Patalon-talon akong umalis sa ticket booth at habang hinahalikan ang isang piraso ng papel. Oo! Papel. Para hindi pauli-ulit na ticket. Ticket sa tren gusto niyo? Myghad! Sakit niyo sa bangs.
Finally, after 1... 2... 3... 4... 5... 6... Six hours mga bes?! Grabehan. Anim na oras akong nakapila at anim na oras din akong nakatayo at anim na oras akong walang kain at inom ng tubig at anim na oras--- Basta yun na yun! Anim na oras.
Inilagay ko na sa bag ko ang --- bago pumara ng jeep pauwi. Kailangan ko nang magmadali dahil malilate na ako sa trabaho. Ala-sais na bes. Dapat 6:30 nandoon na ako. Mapapagalitan ako nito.
Pasado alas-syete na ako nakarating sa trabaho. Medyo matraffic kasi kanina dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Kaya ang ending, sermon todo ako kay Berri. Ang manager nitong restaurant. Palibhasa walang jowa kaya laging mainit ang ulo.
"Sa susunod na malilate ka pa. Hindi ako magdadalawang isip na ifire ka. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanging tango lang ang nasagot ko sa kanya. Wala akong ibang salitang mahagilap kundi tango lang.
Tama lang 'tong inaakto ko ngayon. Kahit panget siya kailangan ko pa rin siyang respetuhin dahil siya ang manager nitong restau-bar. Wala akong ibang choice 'no.
Matapos ang mahabang sermon na yun ay nagsimula na akong magtrabaho. Dating gawi pa rin. Sa tuwing may tatawag na waiter, kapag available ako ay ako na mismo ang kumukuha ng order nila.
Rampa doon. Rampa dito. Rampa everywhere. Kulang na lang dumugo ang ilong ko kakaenglish. Hindi naman ako bihasa sa pagenglish 'no. Nasanay na lang talaga ako dito sa trabaho ko.
"Waiter please." napalingon ako somewhere nang may tumawag ng waiter somewhere ulit. Ano ba? Di ko makita kung saan eh kaya somewhere lang.
Hinagilap ng pretty eyes ko ang tumawag ng waiter at thankfully naman, nakita ko na siya. Nasa medyo madilim siyang part ng restau kaya di ko siya agad nakita.
Dali-dali akong tumungo sa kanila at hindi ko na maiwasang mapanganga dahil sa nakita ko.
Totoo ba 'to? Anong ginagawa ng asawa ko dito? Emeged! Kinikilig ang panty ko. Feeling ko anytime baka lumuwang na lang 'to at dumausdos pababa. Baka masight niya ang gintong perlas ko. Ansabe?
Nabalik ako sa wisyu nang tumikhim ang lalaking kasama ng asawa ko. Napatingin ako dito.
Di ko na alam ang gagawin ko. Maganda ba ako? Baka mamaya ang baho ko na at nangangamoy na ako? Bes! Yung posture dapat maganda. Stand straight lang dapat! Breast out and chest in. Konting dagdag pa sa pretty eyes bes. Push mo na 'to.
"W-what are you doing?" for the second time around, nabalik na ako sa katinuan ko dahil sa boses niya. Boses ng asawa ko! First time kong marinig ang normal voice niya. Parang isang boses ng anghel ito na bumulong sa akin at handang mangako na papakasalan ako.
Anube? Why too fast fafa Klein. Kinikilig naman ako sayo eh. Pademure naman kahit konti lang. Dapat huwag masyadong papahalata. Baka masuko ng tuluyan ang bataan? Huwag namang ganun.
Pere kenekeleg telege eke...
"I think he has a crush on you bro?" ano daw? Ganun ba ako kahalata? Masyado ah. Sabi ko demure lang eh.
"Tsk. Stop it Alfred Tale. I'm not like you."
"Oh c'mon! You know that I already changed. Change for the better, you know."
Yan na sinasabi ko sa inyo! Puro english spokening ang mga nasa paligid ko kaya kailangan ko talaga mag-aral ng mabuti on how to speak english well and fluently. Search niyo na lang sa youtube para mapanuod niyo din. Tips ko na din sa inyo.
Hindi nagtagal ay lumayas na ako ng may ngiti sa labi. Alam mo yung feeling na nasa malapit na yung crush mo pero wala kang masabi. Yung sobrang bilis ng t***k ng puso mo na tipong naghahyperventilate na. Naks Tim ah! What a word.
Malas nga lang kasi di ko sila masulyapan dahil nga nasa madilim silang part nitong lugar. Don't worry. Ako din naman ang magdadala ng order nila.
Oh! Speaking of nga diba? Bitbit ko na ang order nila at habang palapit ako ng palapit sa table kung saan nakaupo ang asawa ko ay pabilis din ng pabilis ang t***k ng puso ko. Feeling ko madadapa na lang ako anumang oras.
"Here's your order." magiliw kong sabi. Isa-isa ko nang nilapag ang order nila kaso...
"Mamita wants me to get married very soon." nagulat ako sa lumabas ng mga salita sa bibig ng asawa ko kaya naman--- ayun! Natapunan ko yung kasama niyang lalaki. Accidentally! Kakaloka. Hindi ko sinasadya.
"F*ck!"
"Sorry po! Di ko sinasadya. Sorry po talaga." emeged! Naloloka na ako. Kung saan-saan na lang dumapo yung kamay ko sa lalaking 'to. Naloloka na ako! Ano ba dapat kong gawin?
Nagkaroon pa ng sunod-sunod na kapalpakan nang matabig ko pa ang wine na nasa tabi niya para matapunan siya ulit. Ayoko nang hawakan yan. Off limits yan mga beks ko.
Ayoko na! Ano nang gagawin ko?
"It's okay! Don't mind it." natuon ang buong atensyon sa amin. Natigil ang mga tao sa paligid. Maraming bibig ang nakita kong nagsalita. Tumigil sa pagkanta ang singer maging ang banda. At worst papalapit na dito yung manager. Katapusan na ba itey?
"F*ck! s**t! My head!!" nabaling ang tingin ko sa asawa ko nang magtakip ito ng parehong tenga at napapikit. Nilapitan siya ng kaibigan niya at may tinanong. Hindi ko na alam ang nangyayari. Nabibingi na ako. Natuod na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa papalapit na si sir Berri. Alam ko na ang patutunguhan nito.
"Ano na namang ginawa mo? You piece of clumsy." naiiyak na akong parang ewan. Nakatingin lang ako kay sir Berri habang dinuro-duro niya ako. Namalayan ko na lang na hinila niya na ako papaalis sa mismong restaurant. Nakita ko na lang ang sarili ko sa apat na sulok na maliit na kwarto, ang office niya.
"Look what you've done!" napapitlag ako nang pukpukin niya ng malakas ang table niya. Pangalawang beses niya 'tong sermon sa akin ngayong araw.
"Hindi na po mauulit."
"Hinding-hindi na talaga yun mauulit because you're fired!!" mabilis kong inangat ang ulo sa narinig ko. Agad akong lumapit sa table niya. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho ng ganun-ganun na lang.
"Sir Berri! Maawa naman po kayo sa akin. Promise po. Hindi na po talaga yun mauulit. That will be my first and last mistake sir. Promise po talaga." wala na akong choice kundi ang hawakan siya sa kamay. Hindi ko na napigilang hindi umiyak.
"Hindi mo ba ako narinig. You're already fired. That will be my final and last decision. Now! Get out."
"Ako lang po ang nagtatrabaho sa pamilya namin. May pinapaaral pa po akong dalawang kapatid. Hindi po pwedeng mawalan ako ng trabaho. Please po..."
"Bingi ka ba or hindi ka lang talaga marunong umintindi? Do I need to say it again that you. are. fired! And that's final!"
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ