Timmy's Point of View. Napakislot ako nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni sir Klein sa aking pisngi. Napasulyap ako sa matamis niyang nakangiting mukha. Nawala na naman pala ako sa sarili ko kakaisip sa sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo. "Are you okay?" tanong nito sa akin matapos maupo sa tabi ko. Bahagyang pinisil nito ang kamay kong kanina pa, hindi! Noong nakaraang linggo pa hindi mapakali. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya para sa pagkaka-discharge niya ngayong araw. Binilin ng kanyang doktor na pwede na siyang lumabas dahil okay na naman daw siya. Pero parang ang hirap paniwalaan dahil mukhang sa utak ata ng lalaking 'to tumama ang bala. Hindi ko na maintindihan ang inaakto niya nitong mga nakaraang linggo. "Nakatulala ka na naman." sabi niya na na

