Timmy’s Point of View. Nakasisilaw na liwanag ng isang sasakyan ang sumalubong sa akin sa gitna ng daan. Bago ko pa man magawang maigalaw ang katawan ko ay mabilis nang umandar ang sasakyan patungo sa akin. Naramdaman ko ang pagsakop ng matinding sakit sa buo kong katawan. Dama ko ang lamig nitong kalsada sa pagkakahandusay ko rito. Hindi ko magawang maigalaw ang buong katawan ko. Tila naestatwa ko kasabay ang kirot dito. “Klein…” Pagtawag ko sa isip ko sa pangalan ng isang tao. Masakit ang buong katawan ko na napamulat ng mata. Bahagya pa akong napapikit muli ng mata dahil sa nakasisilaw na liwanag na sumalubong sa akin. ‘Anong nangyari sa’kin?’ Sinubukan kong indahin ang sakit ng aking katawan at sinikap na makabangon mula sa pagkakahiga. Bago ko pa man mapagtagumpayan ang balak ay

