Timmy’s Point of View. “This ain’t a song for the broken-hearted No silent prayer for the faith-departed I ain’t gonna be just a face in the crowd You’re gonna hear my voice When I ---“ Napadaing ako matapos kong patayin ang ringtone ng aking alarm clock. Kahit sobra pa akong inaantok dahil sa pag-overshift ko kagabi ay kailangan ko pa ring bumangon ayon sa schedule ng pasok ko. Papungas-pungas akong bumangon sa pagkakahiga. Saglit akong sumipat sa orasan abo dumiretso sa cr upang maligo. Saktong alas-singko pa lang ng hapon kaya mahaba pa ang oras ko. Binuksan ko ang cabinet at naghanap ng pwedeng isuot. Napangiti ako. Didiretso na sana ako sa cr upang maligo nang matigilan dahil nakalimutan kong kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng aking kama. Nakapameywang akong nag-scroll patung

