Timmy's Point of View. Napabangon ako nang bahagyang nangirot ang aking leeg. Kinurap-kurap ko pa ng ilang ulit ang aking mata upang masiguro na hindi ito nanlalabo. Wala kasi akong masyadong makita o sadyang madilim lang talaga. Napatigil ako sa ginagawa kong pagmasid nang makarinig ako ng pag-ungol sa tabi ko. Nilingon ko ito na ikinagulat ng lola niyo. Gaano na niya katagal na hawak ang kamay ko? Mabilis akong napahimas sa aking kamay at paulit-ulit itong hinipan na nagbabaka sakaling mawala ang bakas ng kamay niya sa balat ng lola niyo. Ayoko munang mabahiran ang kabirhenan ng aking pinakaka-ingatang katawan. I'm still not prepared for this kind of things. Masado pa akong inosente para sa ganyang bagay. Pero emeged! Hindi ako makapaniwalang magkaholding-hands kami ng aking asawa haban

